Congratulations sa cast at proÂduction staff ng Kambal Sirena daÂhil nagtala sila ng mataas na rating sa pilot episode last Monday, after ng 24 Oras sa GMA 7. Mukhang inabangan ito ng teÂleviewers kahit alam nilang wala pa naman sa ekseÂa sina Louise delos Reyes as Perlas/Alona at Aljur Abrenica as Kevin. Kaya masaya si Winwyn MarÂquez nang malaman niyang tinanggap ng mga manonood ang kanilang telefantasya.
Dream din pala ni Winwyn na makaganap siyang isang sirena pero siya ang kontrabida sa buhay nina Perlas at Alona dahil iisa ang gusto nilang lalaki, si Kevin. Kaya expected na raw na magkakaroon sila ng mga away ni Louise. Minsan na silang nagkasama sa One True Love at ilang beses din niyang sinaktan ito sa mga eksena. Pero bago raw niya gawin iyon, sinasabihan niya si Louise kung ano ang gagawin niya dahil hindi rin siya comfortable na makasakit ng kanyang mga co-star.
Sa kanyang Twitter account, binati ni Winwyn ang amang si Joey Marquez na tinanghal na best supporting actor ng Star Awards for Movies sa mahusay na pagganap nito sa OTJ (On the Job). Inamin ni Winwyn na friends na lamang ang mga magulang nila na mas magkasundo raw kaysa noong nagsasama sila.
Ngayong inamin na raw ng inang si Parañaque Councilor Alma Moreno na wala na nga sila ni Marawi Mayor Salic, mas gusto raw niyang huwag na muling makipagrelasyon ang ina. Kahit daw sa kanilang ama, ang pakiusap nila, huwag na ring mag-asawa ito ng iba, i-prioritize na raw lamang silang mga anak nila. Hindi ba nila hinihiÂling na magkabalikan muli ang kanilang magulang?
“Why not? Sana,†sagot ni Winwyn. “Pero ayaw na nila. Kung happy na sila sa ganoon at mas nagkakasundo, masaya na rin kami para sa kanila.â€
Biniro namin si Winwyn na baka maging sirena rin siya sa Kambal Sirena dahil hindi ba sa story ang kontrabida ay siyang binalikan ng sumpa at naÂging sirena?
Ryzza Mae excited nang magamit ang visa pa-Canada
Masaya si Ryzza Mae Dizon dahil magagamit na raw niya ang visa niya. Sa Holy Week, sabay ang bakasyon at show ng Dabarkads ng Eat Bulaga sa ilang lugar sa Canada.
Noon kasing nag-show sila sa Japan, na kailaÂngan ang visa, hindi nakasama si Ryzza Mae dahil hindi pinapayagan na magtrabaho roon ang tulad niyang bata pa.
This time, hindi lamang sa Asia makakapunta si Ryzza Mae, sa Northern America pa.
Richard sa cruise ang simula ng trabaho
Paalis sa Saturday, March 15 ang Gutierrez faÂmily para sa Asian cruise nila na kasama sa kanilang reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez. Ayon kay Richard, bale ito na ang simula ng back-to-work mode niya after ilang buwan din siyang kung saan-saan namasyal, kasama ang girlfriend na si Sarah Lahbati.
For 11 years daw kasi na sunud-sunod ang kanyang projects sa GMA Network, halos hindi siya nagkaroon ng chance na makaalis ng bansa para magbakasyon. Pagbalik nila from their Asian cruise, magsisimula nang mag-promote si Richard ng bago niyang movie sa GMA Films, ang suspense-thriller na Overtime with Lauren Young na may April playdate na.