Palagi kaming nanonood ng GMA News TV Channel. Bukod kasi sa malinaw at iba ang istilo ng kanilang pagbabalita, maayos ang paggawa nila ng mga may katuturang dokumentaryo.
Kaya lang, bakit si Jessica Soho pa mismo ang pumupuri sa kanilang sariling istasyon, na pinaka-mapagkakatiwalaan, sa isang TV plug? Para sa isang broadcaster na may kredibilidad hindi angkop ang magbuhat ng sariling bangko.
Ang alam namin na pumupuri sa sarili at sa kanyang paÂlabas ay si German Moreno, na hindi tiyak kung binenta ang mga espasyo sa Eastwood, Quezon City na Walk of Fame. Nasa isipan pa ng masa ang pagdududa kung nagbayad ng malaking halaga ang isang mayamang negosyante at doktor para maihalo sa mga sikat at nirerespetong showbiz achievers na dapat na laman lamang ng Walk of Fame?
Gusto kaya ng isang Jessica Soho na maihanay kay German Moreno at ilang gawain nitong katanung-tanong? Sa halip na pawang kapuri-puring mga artista ang titingalain natin sa Walk of Fame, nagkaroon ng mga personalidad na puwedeng bumili ng “karangalanâ€.
Ang GMA News TV channel naman, dapat panatilihin ang low profile at hindi dapat i-promote ng mga nasa industriyang who feel they are bigger than the news.
TV director araw-araw nang super lasing mula nang matsugi ang show
Minsan nakita namin ang isang TV director na ang kinukuhang mga contestant sa mga pa-contest ng kanyang show ay mga kapitbahay. Alam namin ang anomalya dahil taga-roon kami dati at mga personal naming kilala ang kinuha niyang kalahok.
Kapag nagwagi ng jackpot, malaki pa ang parte ni Direk sa mga pekeng kalahok. Hindi naman sila makapagreklamo dahil sinabi na sa kanila ang mga tanong at dapat isagot. NgaÂyon, super lasenggo na si Direk mula nang matsugi sa show!
Scriptwriter-director na si Lando Jacob pumanaw na
Taos-pusong pakikiramay sa mga kapatid at lahat ng kamag-anak at kaibigan ni scriptwriter/director Lando Perez Jacob na pumanaw kahapon, March 11, sa sakit na kanser sa lalamunan.
Si Lando ay nagwagi ng Urian award best screenplay with Arthur Nicdao and Celso Ad. Castillo para sa Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak ni Vilma Santos. Si Lando ang nagdirek ng Wild Animals, Wild Lips, at marami pang sexy movies for Regal and Baby Pascual Films.
Ang last movie na ginawa niya ay ang Tagos sa Laman na noong 2012 ipinalabas. Nakaburol ang mga labi ni Lando sa isang puneÂrarya, malapit sa kanilang bahay sa Pacita Complex, San Pedro, Laguna.
Dalawang Pinoy aarangkada sa opera house sa Germany
Ang impresaryong si Pablo Tariman mismo ang nagbalita na kakanta ng lead role ang Pinoy tenor na si Arthur Espiritu sa Puccini opera na Manon Lescaut, sa pagtatanghal nito sa Festspielhaus Bajen Baden, Germany, ang pinakamalaking opera house sa buong mundo.
Isa pang Pinoy, ang baritone na si Jonathan Zacens ang gaganap ng Dulcamara sa D’Elisir D’Amoro sa Berlin opera house.
Manay, magpa-reserve na tayo ng ticket. Ayokong sumabay kay Pablo dahil naliligaw siya kapag nasa abroad.
Alice handang i–share ang karanasan sa mga bata
Na-depress si Alice Dixson nang humiwalay sa kanyang mister. Isang taon na siyang diborsiyada at muli siyang sumaya nang makatanggap ng cards, flowers, and gifts sa mga kaibigan at mga bagong manliligaw.
Busy ang aktres sa kanyang career at ang latest assignment niya ay ang Confessions of a Torpe with Ogie Alcasid.
Halos lahat ng mga nakakasama niya sa trabaho ay mga higit na batang artista sa kanya. Aminado si Alice na marami siyang natutunan sa mga young artist kaya’t handa rin siyang palagi na mag-share ng kanyang mga karanasan sa kanila.