^

Pang Movies

MOWELFUND inaalisan ng silbi ng MMDA

SYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Magpapatayo raw ng building ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang magiging tahanan ng isang film archives kung saan maaaring mapanood ng mga tao ang alinman sa mga pelikulang nakasali sa Me­tro Manila Film Festival. Bukod doon, marami pa silang sinasabing pro­yekto, pati na ang medical assistance raw sa mga maliliit na manggagawa ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Pero sisimulan lang ’yan. Walang katiyakan kung ’yan ay maitutuloy ng mga susunod na admi­nistrasyon.

Ang pagkaka-catalogue ng mga pelikulang Pili­pino, matagal nang sinasabi iyan eh. In fact, nasimulan na noong araw na nagkaroon ng film archives pero ewan kung ano na ang nangyari. Noong mawala na ang mga Marcos, at nabulok na rin ang Manila Film Center na ipinatayo nila noong araw, ewan kung ano na ang nangyari sa kop­ya ng mga lumang pelikulang klasiko na na­kuha nila. Actually, maraming mga pe­likulang classic na mas unang dapat na mai-preserve kaysa sa mga pelikula sa film festival. May mga pelikulang ginawa ang mga maestro na talagang dapat makita ng mga susunod pang henerasyon. Iyon ang dapat unahin. Ipe-preserve pa ba natin sa mga archive ang mga pelikulang wala namang kawawaan at ang tanging layunin ay kumita?

Maganda rin naman at naisipan ni Chair­man Francis Tolentino na makapag­bigay ng medical assistance sa mga maliliit na manggagawa ng peli­­ku­lang Pilipino, kaya lang duplication na ’yan ng trabaho. Hindi ba dapat iyon ang ginagawa ng MOWELFUND na siya sanang pangunahing tinu­tulungan ng film festival? Parang ang lumalabas ay bakit ibibigay pa sa MO­WELFUND kung magagawa naman mismo ng MMDA?

Mas nakakatakot dahil alam naman natin ang image ng gobyerno natin na laganap ang corruption. Mas maganda na iyong dati na ibinibigay na lang sa MOWELFUND at sila na ang bahala. After all, mas alam nila kung sino ang dapat tulungan sa industriya dahil sila-sila iyon.

Ang sinasabi ni Tolentino, bagama’t maganda ay duplication na lamang ng trabaho ng iba. Bakit kailangan pang magsimula ng bago? Bakit hindi na lang nila tulungan iyong existing na? Bakit hindi ang gawin ni Tolentino ay maibigay sa beneficiaries ang sinasabi maging ng Commission on Audit (COA) na hindi naibibigay ng MMDA sa mga iyon simula noong 2002?

Polo aminadong sumakit ang katawan sa harness

Inaamin ni Polo Ravales, nahirapan sila sa ta­ping ng Kambal Sirena, lalo na sa mga eksenang kailangan silang isabit sa isang harness para makunan ang simulation ng paglangoy nila sa ilalim ng dagat bilang mga sirena. Ang sabi nga ni Polo, “masakit sa katawan.”

Masakit talaga sa katawan iyon, dahil ang kabu­uang bigat mo, pati na ng mga costume at props na nakakabit sa iyo ay nalalagay sa bahagi ng katawan mong nakatali. Talagang malaking sakripisyo ang mga gano’ng eksena. Iyang mga artista, hindi lamang umaarte iyan, nahihirapan din sila talaga. Pero aminado si Polo na kailangan nilang gawin para ma­paganda ang visuals.

Iyong mga palabas na ganyang pinaghirapan talaga ng mga artista, iyon ang dapat panoorin.

TV network nagsisisi sa nakuhang aktor na laos na

Nagsisisi na rin daw ang isang TV network sa pagkakakuha nila sa isang aktor na tulad ng iba ay wala ring naiakyat na ratings sa mga show nila. Kaya lang, binabayaran nila nang malaki kaya kailangan ding mabawi kahit na paano ang ibinabayad nila.

Pero na-realize na raw nila na hindi talaga wise na kinuha pa nila iyon. Mahilig naman kasi silang kumuha ng mga laos na eh.

 

BAKIT

FRANCIS TOLENTINO

IYON

KAMBAL SIRENA

MANILA FILM CENTER

NILA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with