^

Pang Movies

Maricel napaiyak sa pagpapakilalang Kapuso na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bongga ang launch ng Sunday All Stars sa bagong telefantasya ng GMA 7 na mapapanood simula ngayong gabi, pagkatapos ng 24 Oras, ang Kambal Sirena. May split frame si Louise delos Reyes na isang sirena (Alona) at isang tao (Perlas) nang ipakilala siya, habang sinasayawan ni Aljur Abrenica. Present din ang iba pang bumubuo ng cast, at complete ang costumes ng mga taga-Mundo ng Serenadia, led by Reyna Arowana (Angelika dela Cruz). Ang Kambal Sirena ay dinidirek ni Dondon Santos.

First time rin ng Diamond Star Maricel Soriano na mag-appear sa show at isa siya sa mga judge together with Janno Gibbs and Jaya. Nang i-welcome siya bilang bagong Kapuso, sabi ni Maricel, natatandaan daw niya ang sinabi niya sa isang pelikula na ginawa niya na “Ang pagmamahal ay wala sa salita, wala sa kulay ng damit, kung hindi nanggagaling sa puso.” 

Napaiyak si Maricel sa unang performance na napanood niya at, sabi niya, bakit ngayon lamang siya inimbita na mag-judge, ang huhusay daw kasi ng mga performer?  Napaiyak siya sa mahusay na performance ng Team Ligang I Like na siyang nanalo at si Max Collins naman ang nanalo as best performer. 

Ngayong Monday ang story conference ng unang soap na gagawin niya sa GMA 7, ang Ang Dalawang Mrs. Real with Dingdong Dantes at Lovi Poe under Andoy Ranay.

Marian puring-puri ang respeto ni Alden

Puring-puri ni Marian Rivera ang bago niyang leading man sa Carmela, si Alden Richards dahil napaka-dedicated daw nito sa trabaho. Kaya kapag nagkakausap daw sila ni Alden during taping breaks na nagkakakuwentuhan sila ng buhay-buhay, nakita niya kung gaano ito kabait na tao, mapagmahal na anak, at may respeto sa kanya at sa boyfriend na si Dingdong Dantes. Napapansin daw niya kung minsan sa mga nagbibida na nakasama niya, na may yabang na sila, at parang ipinamumukha na “Heto, bida na ko,” at hindi na marunong rumespeto sa mga kasama nila sa show. Kaya hindi raw siya nagkamali na pinili niya si Alden na makatambal niya dahil nakita niyang kung gaano ito kaseryoso sa kanyang ginagawa.

Muling nagpasalamat si Marian sa fans and friends niya na nagtatanggol sa pangba-bash sa kanya sa Twitter at Instagram. Lahat daw iyon ay ipinasasa-Diyos na lamang niya dahil masaya siya na maraming nagmamahal sa kanya, naroon lagi ang kanyang lola at mama na laging nakasuporta sa kanya. Kahit nga ang papa niya at mga kapatid na nasa Madrid, Spain tumutulong sa pagpo-promote ng Carmela sa pama­magitan ng fan signs sa Instagram na panoorin ang kanilang soap sa GMA 7.

“Basta puno ka ng pagmamahal sa tabi mo, hindi ka magkakamali at hindi ka malulungkot. Salamat sa Diyos sa patuloy na pagdating ng mga blessing,” sabi pa ni Marian. 

Hindi man pinangalanan, big month ni Marian ang March dahil bukod sa mga magazine cover na lalabas lahat ngayon, marami siyang isu-shoot na TVC ng mga bago niyang endorsement at next month ay may malaking endorsement siyang ilo-launch.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANDOY RANAY

ANG KAMBAL SIRENA

CARMELA

DINGDONG DANTES

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with