^

Pang Movies

Venus kinakalimutan na ang love life simula nang dumagsa ang trabaho

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Enjoy ngayon si Venus Raj sa kanyang mga trabaho kaya wala siyang balak na magkaroon muna ng boyfriend. Meron siyang bagong TV show sa GMA News TV na ang title ay Business Flight. Kasama niya ang businesswoman na si Cristina Decena. Sa March 23 na ang pag-ere nito.

Nag-enjoy si Venus sa mga shoot nila sa bansang Japan at sa Bohol at marami siyang nakilalang successful Pinoys at ang kanilang mga malalaking negosyo.

Bukod sa bagong TV show, meron ding natapos na indie film si Venus with Ervic Vijandre, Ang Tweet ni Florante kay Laura.

“Busy tayo ngayon kaya walang time na bigyan ng pansin ang love life!” sabay tawa ng beauty queen.

“Mas gusto ko ang ganito talaga. ’Yung productive ka ’tapos nag-e-enjoy ka sa mga ginagawa mo. Parang ang ganda ng blessing para sa atin.”

Dahil daw sa mga trabahong dumating, nag-promise ang beauty queen na huwag munang mag-love life.

“Ayoko kasi munang ma-distract sa mga ginagawa ko ngayon. Tama na itong single tayo at happy naman ako na kasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko,” ngiti niya.

Kapag tinatanong nga si Venus tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Andre Felix, nakikiusap ito na huwag na lang pag-usapan dahil tapos na raw ang chapter na iyon ng buhay niya.

Polo dinadala ang kinikita sa negosyong restaurant

Four years na ang relasyon ni Polo Ravales sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Shasta Munsayac. Ayon sa aktor, ito na raw ang pinakamahabang relasyon na meron siya. Kaya special si Shasta sa kanya.

“Nagkakilala kami ni Shasta through our common friends. Nagsimula kami as friends talaga hanggang sa nagkaroon na kami ng relasyon. Pero matagal din bago naging kami. May four months din akong nanligaw sa kanya. Ngayon apat na taon na kaming magkasama,” diin ni Polo.

Wala pa raw silang balak na magpakasal dahil hindi pa sila handa financially. Pero napag-uusapan na raw nila ang tungkol sa pagpapakasal at pagkakaroon ng anak paminsan-minsan.

“Bata pa naman tayo. I’m just thirty one years old and Shasta is a lot younger than me naman. Marami pa kaming gustong gawin sa buhay.

“Right now, meron kaming restaurant business sa loob ng BF Homes in Parañaque City. Lahat ng kinikita ko sa mga show ko it goes to our business.

“Paghahanda na rin ito para sa mga future plan namin kasi baka anytime bigla na lang gusto na naming magpakasal meron kaming mapagkukunan, ’di ba?” ngiti pa niya.

Kaya naman nagpapasalamat si Polo na sunud-sunod ang mga trabaho niya sa GMA 7. Tulad ngayon na kasama siya sa sirena-serye na Kambal Sirena at gumaganap siyang kontrabidang sireno.

Nag-aral pa ng diving at tamang paglangoy suot ang buntot ng sirena si Polo para sa kanyang role. Ito na nga raw ang pinakamahirap na role na ginawa niya bilang isang kontrabida.

‘Anak’ ni Michael Jackson nagsalita na

Malaki raw ang posibilidad na anak ng yumaong King of Pop na si Michael Jackson ang baguhang singer na si Brandon Ho­ward. Malaki ang pagkakahawig kay Jackson ng 31-year-old singer at sa naging lab test nito mula sa dental imprint, 99.9 percent match ito kay Jackson.

Ayon sa Beverly Hills dental surgeon na si Dr. Joseph Goodman, na-obtain daw nila ang sample mula sa dental device na pag-aari ni Jackson na binili ni Goodman mula sa isang auction.

Dahil sa kumalat na report na ito na nagmula sa TMZ, heto ang naging official statement ni Brandon:

“It seems a lot of people are speaking on my behalf, so, I’m going to keep this short and simple. One, I did not call TMZ. I didn’t put out a story, nothing. Two, I never proclaimed to be his son. Three, I am definitely not suing the estate.

“I have been taken care of very well and also I make my own cash. Four, It’s true I had a DNA (deoxyribonucleic acid) test but this had nothing to do with any of this. I swear on my life.

“I’m done, wherever you guys go from here, that’s what it is and whatever the DNA results come out to be, the results, it is what it is.

“This is coming from me personally, so spread it around and make sure everybody knows this is me.”

Pero may duda pa rin ang estate lawyer ni Jackson na si Howard Weitzman sa resulta ng DNA.

“It sounds like a fraud to me. I’ve never heard of the man. He’s never made any claims with the estate or with any recognized tribunal that I’m aware of.”

Si Brandon ay anak ng gospel singer na si Miki “Billy” Howard na nakilala ni Jackson noong early ’80s. Ipinanganak si Brandon noong 1982, a year before naging hit ang single ni Jackson na Billie Jean.

 

 

 

vuukle comment

ANDRE FELIX

ANG TWEET

AYON

BEVERLY HILLS

JACKSON

MICHAEL JACKSON

PERO

SHASTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with