^

Pang Movies

Ryan Agoncillo at Eugene Domingo magkakaroon ng cross-over guestings

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Marso 8),  magkakaroon ng kakaiba at hindi malilimutang weekend ang mga manonood dahil magaganap sa kauna-unahang pagkakataon ang “cross-over” guestings ng mga hosts ng Saturday Night Viewing Tandem ng Kapuso Network, ang Picture! Picture! at Celebrity Bluff.

Espesyal ang episode ngayong Sabado sa Picture! Picture! dahil espesyal ang grupo ng players na maglalaro – The Gangnammms of Celebrity Bluff! Bibisita, tatawid ng studio at makikigulo ang kilalang bluffers ng multi-awarded all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff sa Picture Picture!

Kung sa kanilang show sila ang nagtuturo at nanlilito ng mga players, ngayong Sabado naman ay sila ang players na magtuturuan, at magkakalituhan sa isa’t isa! May bonus pa dahil ang kanilang host na si Eugene ay bibisita rin at todo ang suporta sa kanyang mga Gangnammms.

Sino kina Brod Pete, Gladys Guevarra as Chuchay, Wally Bayola as Lolo Tang at Boobay ang matitira hanggang sa huli? Isang Gangnammm na nga kaya ang makapag-uuwi ng pinakaaasam-asam na kalahating milyong piso?

Samantala, magdadala naman ng mas matinding excitement ang Picture! Picture! game master na si Ryan sa Celebrity Bluff dahil sasamahan niya sina celebrity bluffers Jose Manalo at Isko Salvador sa nakakatuwang palitan nila ng biro kay Eugene na hindi dapat palampasin ng mga manonood.

Ang mga maglalaro sa episode na ito ay ang mga Kapuso artists na sina Solenn Heussaff, Kris Bernal, at Rodjun Cruz na maglalaban-laban para sa kalahating milyong piso.

 

BROD PETE

CELEBRITY BLUFF

GANGNAMMMS OF CELEBRITY BLUFF

GLADYS GUEVARRA

ISANG GANGNAMMM

ISKO SALVADOR

JOSE MANALO

KAPUSO NETWORK

KRIS BERNAL

PICTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with