^

Pang Movies

Male TV host na tamad magmaneho, makunat naman mag-tip sa taxi driver

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natawa lang ang isang taxi driver sa isang male TV host na minsan ay nasakay niya.

Ayaw  nitong mag-drive ng kanyang sasakyan dahil napapagod ito sa traffic at ang pupuntahan pa niyang party ay nasa Bonifacio Global City.

Hindi pa siya nakilala noong una ng taxi driver dahil naka-bull cap daw ito. Noong tanggalin niya ito at doon siya namukhaan ng driver.

Sinabi ng driver na paboritong panoorin ng kanyang pamilya ang show ng male TV host. Nagpapirma pa ng autograph ang driver sa male TV host para ipagmalaki niya sa kanyang mga anak.

Magiliw naman daw nagkuwento ang male TV host sa kanyang trabaho. Minsan daw ay kahit pagod siya ay hindi siya puwedeng mawala sa show dahil sayang ang kikitain niya.

Pagdating nila sa venue ng party ng male TV host, nagulat na lang ang driver na biglang naglabas ng isang envelope ang male TV host na puro tig-bebente pesos ang laman.

At yung hitsura raw ng mga bente pesos ay hindi ‘yung bago’t malutong kundi mga luma at lukut-lukot pa ang iba.

Imbes na mainis, natawa na lang ang driver dahil nakakatawang tingnan daw ang male TV host na binibilangan siya ng tig-bebente pesos at nagkuripot pa raw ito dahil binawi pa raw nito ang sobrang bente na inakala ng driver ay tip nito sa kanya.

Louise natadtad ng peklat sa pagsisid

Kahit nagkapeklat-peklat na si Louise delos Reyes sa taping ng Kambal Sirena, wala itong reklamo dahil mas nagpapasalamat daw siya dahil sa malaking role na ito na pinagkatiwala sa kanya ng GMA 7.

Ang dual role bilang Perlas at Alona ang pinaka-challenging role na ginawa ni Louise simula noong pinagbida siya sa telefantasya na Alakdana.

Kaya may karapatan na ngang mabigyan ng titulo si Louise bilang GMA Primetime Princess.

Natawa lang si Louise dahil hindi naman daw niya habol ang magkaroon ng titulo dahil gusto niyang makilala dahil sa pagiging masipag niya at sa pagiging aktres niya sa telebisyon.

 â€œLalo na rito sa Kambal Sirena, malaking pressure ito para sa akin dahil pinagkatiwala nila sa akin ito. Obligasyon ko na magbigay ako ng magandang performance, lalo na’t dalawa pa ang role ko rito.”

Mabigat daw ang mermaid’s tail costume niya lalo na kapag nabasa na raw ito. Nagkaroon din daw siya at ibang cast ng diving at swimming lessons para walang maging problema sa taping nila sa dagat.

Pizza Guy instant celebrity, kinuhang guest ni Ellen sa show

Pagkatapos ng Oscar Awards, kinuhang guest ni Ellen DeGeneres sa kanyang talk show na Ellen ang pizza guy na nag-deliver ng three boxes of pizza on live television during the Oscars.

Siya ay si Edgar at siya at ang kapatid niya ang may-ari ng Big Mama’s and Papa’s Pizzeria sa Hollywood.

Kinuwento ni Edgar ang pag-deliver niya sa Dolby Theater at akala niya ay pagdadalhan niya ng pizzas ay mga writers ng show.

“They told me that I was delivering it to some writers. Then they asked me to wait.

“Then you came out. You just said to follow you and I was shocked that I was already onstage at the Oscars. It was crazy!” masayang pag-alala ni Edgar sa pangyayari sa kanya.

Nalaman pa ni Ellen na longtime crush pala ni Edgar si Julia Roberts at hindi ito makapaniwala na inaabutan na niya ito ng pizza.

 â€œJulia Roberts was my favorite and I always watch her movies, especially Pretty Woman, when I was still in Moscow. I can’t believe that I am giving her pizza!” tawa pa niya.

Ginamit ni Ellen ang famous hat ni Pharrel Williams para mag-pass-the-hat sa mga Hollywood celebrities na nabigyan ng pizza noong gabing iyon para sa magiging tip nila kay Edgar for delivering the pizza.

 â€œYou left even before I was able to give you your tip. I passed the hat and got about like $600,” sabay abot ni Ellen kay Edgar na tuwang-tuwa sa malaking tip.

Mas lalong natuwa si Edgar nang dagdagan pa ni Ellen ang tip na iyon at inabutan pa siya nito ng $1,000! A total of $1,600 tip!

At para matikman ng audience ni Ellen ang naturang pizza, nagpamigay ng free pizza si Ellen sa lahat.

Bukod sa malaking tip, nabigyan pa ang pizzeria ni Edgar ng free publicity sa mismong Oscar show.

Ang binabayad ng mga advertisers para sa kanilang products na makikita sa Oscar show ay nagkakahalaga ng $10 million. In the case of Big Mama’s and Papa’s Pizzeria, wala na silang binayad na milyones sa airtime at na-endorse pa sila ni Ellen for free.

 

vuukle comment

BIG MAMA

DAHIL

DAW

DRIVER

ELLEN

NIYA

PIZZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with