^

Pang Movies

Marian nanalong dealers choice award

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noong isang taon ginawa ang survey ng Personal Collection Direct Selling, Inc. sa lahat ng kanilang dealers sa buong bansa upang pumili ng bagong endorser ng kanilang bagong produkto, kasama na ang Premium Fragrances Sof & Mmmmm concentrated fabric conditioners. Isang pangalan lang ang napili nilang pinakamaganda at pinakamabango, si Marian Rivera.

Si Marian ngayon ang natatanging brand ambassador ng Sof & Mmmmm fabric conditioner at iba pang bagong produkto tulad ng mga home care, personal care, baby care, fragrances, at health care apparel.

Comfortable ang primetime queen sa kanyang bagong trabaho dahil, para sa kanya, hindi kailangang magsalita o mag-sales talk para sa Personal Collection products.

“Let these products speak for themselves. Konting spray lang ng Sof & Mmmmm, amoy na kaagad ang kanilang natatanging bango,” sabi niya.

Nagkaroon nga ng test sa media launch at nag-spray ng Sof & Mmmmm at ibang produkto sa magkaibang tuwalya. Outstanding ang fragrance na nilagay ng Personal Collection fabric conditioner sa isang tuwalya. Kaya hindi na ito iniwan ni Lolit Solis sa nagbigay sa kanya ng pagsubok.

Ipinagmamalaki pa ng mga taga-Personal Collection, may germtec ang kanilang mga Eternity, Endless, at Forever fabric conditioner kaya may protection laban sa bacteria, bukod sa amoy na very pleasant at hindi masangsang.

Meron pa silang mga detergent powder, Tuff fabric conditioner, Powermax, Sophia perfume, Alert toothpaste, White Dove baby products, and many more. For particulars, call 0932-7634137.

Ang Personal Collection line ang isa sa mga secret kung bakit humahalimuyak si Marian Rivera, from head to foot.

Sarah nag-No. 1 na sa Tayo

No. 1 na sa MYX Countdown ang Tayo ni Sarah Geronimo. Isa rin si Sarah sa strong contenders sa favorite female artist award ng MYX Awards 2014 on March 26.

Bumoto na kayo kung sino ang gustong magwagi. Hanggang March 23 midnight lang maaaring magpadala ng mga boto. Puwede rin kayong humingi ng tickets sa live show in Samsung Hall (Bonifacio Global City sa Taguig City), to be telecast live sa MYX channel.

Gown ng produ ng Frozen gawa rin ng Pinoy designer

Ang gown ng producer na si Jennifer Lee ng winning best animation film na Frozen, gawa ng Pinoy couturier na si Michael Tolentino. Hindi nabanggit kung sino ang may likha ng gown ni Kristen Lopez, na wife ni Robert Lopez, at co-writer niya sa Let It Go, best ori­ginal song from Frozen.

Malamang na sa mga susunod na fashion review on the red carpet, may lilitaw pang names ng prominent Pinoy designers.

Alvin at Cindy ikakasal uli para sa 25th anniversary

Ang akala ng marami sa showbiz, pati mga reporter, matagal nang naghiwalay sina Alvin Patrimonio at Cindy Conwi. Meron na pala silang 25 years na nagsasama nang maligaya at nagdiwang ng kanilang 25th anniversary recently.

Ikakasal silang muli sa March 8, with their daughters Crisi and Clarice na maids of honor and their sons Angelo and Asher as best men.

Judy Ann nabawasan ng insecurity, taba sa katawan natanggal na

Napawi na ang insecurity ni Judy Ann Santos nang magbalik sa dating hubog at timbang ang kanyang katawan.

Kailangan ni Judy na mag-exert ng effort — diet and workout upang mawala ang kanyang sobrang timbang.

Kahit sabihin pang napapaligiran na sexy ladies si Ryan Agoncillo sa kalabang network, wala nang dahilan upang magproblema si Juday.

Alam din niya na puro trabaho ang focus ng kanyang husband.

 

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

ANG PERSONAL COLLECTION

MARIAN RIVERA

MMMMM

PERSONAL COLLECTION

PINOY

SOF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with