^

Pang Movies

Mitch Albom namigay ng libro sa mga na-Yolanda

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Dumating sa bansa ang internationally acclaimed author ng best-selling book sa Tuesdays With Morrie (which has already been translated into a TV special) upang tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City, Leyte.

Bago umalis sa USA si Mitch Albom, hu­mi­ngi siya ng autographed copies ng mga libro nina Stephen King, Amy Tan, and Scot Throw na ibibigay sa bubuksang Pawing Elementary School lib­rary at siyam pang libraries sa Leyte. Siyempre magbibigay din siya ng mga kopya ng Tuesdays With Morrie at ng kanyang bagong librong The First Phone Call From Heaven.

Bukod pa sa mga bagong silid-aklatan na bubuksan sa tulong ng National Bookstore ng pamilyang Ramos, magdo-donate si Albom ng 40 fishing boats sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.

Noong unang lumabas ang Tuesdays With Morrie, more than 10 years ago, bumili agad kami ng kopya at binigyan pa ang close friends ng powerfully inspiring best-seller. Kaya ang iba ay ipinangregalo rin sa mga kaibigan.

Nagkaroon ng autograph session ng The First Phone Call From Heaven sa  Metro Manila  at magkakaroon sa  Cebu bookstore.

Martin pangarap maging Facifica Falaypay

Pangarap ni Martin Escudero ang gumanap ng title role kapag ni-revive ang Dolphy comedy classic na Facifica Falaypay. Para sa young actor, isang very challenging role ang character ng screaming gay, na unang binigyang buhay ni RVQ o Rodolfo Vera Quizon.

Sino kaya ang may-ari ng film or TV rights ng Facifica Falayfay para makiusap agad si Martin na bilhin na ito ng TV5. Puwede kasi itong maging launching vehicle ni Martin to full stardom after mag-portray ng second lead parts.

Grammy awardees dumadayo sa Malasimbo reggae festival

Sa Malasimbo, na nasa paanan ng isang bundok sa Puerto Galera, Mindoro nagsimula ang Pinoy reggae kaya madaling maunawaan kung bakit merong Malasimbo International Music Festival on Feb. 27 to March 3.

Tampok sa major music event sa Mindoro ang Grammy awardees, world music exponents, reggae acts, jazz pioneers, at folk singer-composer na sina Jose Gonzales, Roy Ayers, Lennie Liston Smith, and Robert Gasper Experiment Jamaican artist Jimmy Cliff, Bob Aves, Grace Nono, Up Dharma Down, at iba pang exponent ng Pinoy reggae.

Bilisan ang pagkuha ng booking ng matitirhan sa Puerto Galera, na tiyak na magsisiksikan na today.

Maribel Lopez parang TF sa pelikula ang kinikita ’pag nakakabenta ng mga painting

Kaya pala masipag sumali si Maria Isabel Lo­pez sa mga art exhibit, with former beauty queens and actresses, ay nabibigyan ng tamang presyo ang kanilang paintings sa mga okasyong tulad nito.

Ayon kay Maribel, mabilhan lang siya ng isa o dalawang obra, para na rin siyang nagtrabaho sa isang full-length movie.

‘‘Ang mga nagpupunta kasi sa mga art exhibit, nakakaintindi ng mga likhang sining,’’ say ni Mari­bel. ‘‘Alam nila na buong puso at pagmamahal na ipininta ang isang painting, kaya nagbibigay sila ng right price, para maangkin ang kanilang gusto.’’

Indie films nadagdagan ng venue sa Zamboanga, pinagawa ng FDCP

Nadagdagan na naman ang venue ng mga indie film sa pagbubukas ng Zamboanga Cinematheque today, na may 160-seater capacity. Ito na ang ika-limang cinema house na ipinatayo ng Film Deve­­­lopment Council of the Philippines sa buong bansa.

Puwede rin namang ipalabas ang mainstream movies dito kaya lang dapat bigyan ng priority ang mga indie production.

Baguhang singer nakikilala na sa Top 10 ng MYX

Mabilis nakikilala ang bagong saltang si Paolo Onesa, the latest contract artist ng Star Magic. Ang kanyang first single na Lucky in Love ay madalas patugtugin sa MYX music channel.

Kasali na sa Top 10 singles ang kanta at charted No. 7 this week sa MYX singles charts.

AMY TAN

FACIFICA FALAYPAY

FIRST PHONE CALL FROM HEAVEN

PUERTO GALERA

SHY

TUESDAYS WITH MORRIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with