^

Pang Movies

Anne ka-vibes na sina John Lloyd at Angelica

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Wala talagang puwang para kay Anne Curtis ang mga negang intriga na kesyo matanda na siyang maging Dyesebel o kahit ang kinangsakutan niyang isyu kay John Lloyd Cruz.

Naging lalo pa siyang palaban sa pagsayaw niya na ala-Miley Cyrus sa It’s Showtime last Saturday bilang hudyat ng kanyang The Forbidden Album at Round 2: Annekapal concert na gaganapin sa May 16. Feeling singer na singer na si Anne sa ipino-promote bukod pa sa sandamakmak na endorsements at isang bagong pelikula.

Huwag ka, ngayon palang ay curious na ang kanyang followers kung gaano ka-forbidden ang gagawin ng aktres at kung hihigitan niya pa ang lakas ng angas ni Miley sa gagawin niya sa kanyang performance sa Smart Araneta Coliseum. Promise naman ni Anne na sexier at mas excited na siyang kantahan muli ang kanyang fans sa bagong concert.

Kaya pala pinaghirapan ni Anne ang pagdyi-gym at yoga para makuha ang seksing katawan na may abs pa at ibilandra niya sa poster ng kanyang The Forbidden concert.

Feeling guilty tuloy si Anne kapag napapasarap ang kanyang kain dahil sayang nga naman ang magandang kurba at flat niyang abs na hindi biro niya kung i-workout.

Speaking of John Lloyd, pagkatapos nang awa­yan at sampalan nilang isyu ay bati na ang dalawa pero hindi lang sila ang in good terms kundi maging sina Anne at Angelica Panganiban.

Nag-post na si Anne last week ng picture nilang magkasama ni Angelica habang tumotoma sila pareho pero hindi alak ang nilalaklak ng dalawa kundi ang inumin na mukhang pang-detox na madalas nilang i-post sa kanilang mga Instagram account.

 

 

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE

ANNE CURTIS

ANNEKAPAL

FORBIDDEN ALBUM

JOHN LLOYD CRUZ

MILEY CYRUS

SMART ARANETA COLISEUM

SPEAKING OF JOHN LLOYD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with