Gretchen at Marjorie tuloy ang laban sa mga naninira!
Magkasundo ang magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto, pati na ang mga bagong sibol na sina Julia at Claudia Barretto, upang labanan ang mga basher sa social media.
Sobra naman kasi ang pang-iinsulto ng mga bumabatikos sa kanilang pamilya na hindi kayang lunukin ng buung-buo. Depensa naman ng mga kalaban ng mga Barretto sa Internet, abuso rin naman ang kanilang mga sinulat at pinabasa sa mga tao, kahit kasiraan ng sariling mga kamag-anak.
Say ng isang basher na nakausap namin, “Marunong naman pala silang masaktan pero tila manhid naman sila kung nangungutya na sa kanilang mga sariling relative at kapwa tao. Ayos lang na mainsulto rin sila nang husto.â€
Sarah hayaan nang magtrabaho
Isang taong nawala sa eksena si Sarah Lahbati at sa tuwing tinatanong kung ano ang ginawa niya, laging handa ang kanyang mga sagot: “Nag-relax, nag-travel with my family.â€
Sa tagal na panahon na inactive siya, malamang pati sa North Africa nakarating ang aktres!
Umaamin naman si Sarah na na-miss niya ang pag-aartista — ang mga kapwa actor, mga director na masarap makatrabaho, at pawang mga kaibigan niya.
Matagal na niyang gustong bumalik sa pag-arte at pagharap sa camera. Kaya tigilan na natin ang masyadong cross-examiÂnation sa kanya. Hayaan na natin siyang magtrabaho ng maayos at mapayapa.
Cesar enjoy sa pagiging lolo
Nagdiwang ng first birthday ang paÂngalawang apo ni Lolo Cesar Montano, na si Joshua. Ang kanyang unang apo na si Clyde, seven years old na, kaya matagal nang naranasan ng aktor ang pagiging grandpa.
Siyempre, nandun ang mother ni Cesar, na siyang nag-aalaga sa mga anak ng kanyang apo kay Cesar. Lola na sa tuhod ang nanay ng actor.
Tiyak namang matagal pang magkakaroon ng apo si Montano, sa mga anak niya kay Sunshine Cruz.
Nuwebe ni Direk Laban may habol pa sa Oscars at Golden Globe
Tuloy ang paglahok ng Nuwebe ni Joseph Israel Laban sa mga worldwide film festival, pagkatapos nitong mag-compete sa Jo Jozi, South Africa ngayong Feb. 21-23, lalaban ang Nuwebe sa Queens World Filmfest in New York sa March 4-9; Rome International Film Festival, March 16-23; Cinema Asia Filmfest in Amsterdam on April 1-6; at sa Cinematogrifo International sa Montevideo, Uruguay, April 10-20.
Bago matapos ang 2014, nakahakot na ng mga worldwide award si Laban at nakapaglakbay na siya sa buong mundo.
Sa rami nang natatamong karangalan para sa bansa, malamang na isa ang Nuwebe sa pagpipiliang lahok sa 2015 Oscars at Golden Globe Awards.
Don Pepot in demand pa ring mag-host sa mga probinsiya
Still alive and kicking ang beteranong comedian na si Don Pepot, na ilang beses nang nabalitang pumanaw. Pawang false alarm ang mga kuwento sa pagyao ni Pepot, na hanggang ngayon ay in demand mag-emcee ng mga show sa probinsiya, lalo na sa mga kapistahan.
Nasa high school pa kami, napapanood na namin si Don Pepot sa mga TV show ng Channel 11 na nasa Taft Avenue, Manila. Kasabay niya ang pagsilbi bilang emcee ni La Mila Ocampo at ang kapatid na si Vicky sa mga palabas directed by Heidi Sison Ocampo.
Bihira nang mapanood sa TV si Don Pepot dahil maraming higit na mga batang emcee/comedian ngayon.
Dahil nagsisisi sa unang kasal, James nagdahan-dahan na sa ikalawang pag-aasawa
James Yap is taking more time to decide a wedding with his girlfriend, Italian Michela Cazzola.
“Dahan-dahan lang. Ang kasal naman ay laging nandiyan ’yan. Kailangang handang-handa ka bago magpasiya at wala kang pagsisisihan after,†sabi ng cager.
Of course he is basing his moves on past experience. Obvious ba na naging malaki ang pagsisisi ng hardcourt hero?
One more thing, magastos ang gustong wedding ni Michela. Payag siya kung sa simbahan ang kasal at kumpleto sa lahat ng rekado ng isang engrandeng seremonya.
- Latest