Maricel per show lang ang bagong kontrata, sa comedy muna lilinya
MANILA, Philippines - Tuloy ang paggawa ni Maricel Soriano ng drama series sa GMA. Pumirma na siya kahapon ng kontrata para sa proyektong Ang Dalawang Mrs. Real na pagsasamahan nila ni Dingdong Dantes.
Bale ang nasabing series ang pagbabalik sa teleserye ng Diamond Star. Nabulilyaso kasi ang paggawa niya sa ABS-CBN ng series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin kaya sa comedy muna siya pinag-concentrate ni Boss Vic del Rosario lalo na sa movies.
Sa nalaman namin, per project ang kontrata ni Maria sa GMA. Balak din siyang gawan ng sitcom na expertise ng award-winning actress. Huling napanood si Maria sa Ang Munting Kerubim kung saan nagkaroon siya ng special participation.
Geoff aminadong hindi sweet kay Carla
Nabasa ni Geoff Eigenmann ang write up tungkol sa pagiging antipatika ng girlfriend na si Carla Abellana na hiningan ng reaksyon sa pahayag ng boyfriend tungkol sa iniisip na kasal. Nangyari ‘yon after ng presscon ng Third Eye kung saan hindi lang ilang press ang na-disappoint sa tinuran ng aktres na nag-iimbento na naman ng tanong ng mga reporters, huh!
Sa pocket interview ng cast ng Adarna na kinabibilangan ni Geoff, nagsalita siya ng panig niya tungkol sa nabasa niya at ginawa ng girlfriend. Sa tanong kay Carla na wala silang Valentine’s date ni Geoff, nilinaw ng aktor ang nangyari nu’ng araw na ‘yon.
“Unfortunately that day, sila may taping, ako wala. Nagkita kami ni Carla that day on that day for a bit. Things didn’t just push through,†pauna niyang pahayag.
May problema ba sila ni Carla?
“Wala! We’re fine! We’re fine!†ulit niya.
Tanggap naman daw ni Carla ang hindi niya pagiging sweet.
“Yeah! I’m sure dati sanay siya ng nireregaluhan. At first, I’m sure, it was shock to her. Then she realizes na I’m like that na tanggapin niya ako. Pasok na pasok for me. She understand me for what I am,†katwiran ng aktor.
Kaya naman daw niyang maging sweet sa girlfriend. Bumabawi naman siya sa pagkukulang niya. Kaya naman feeling niya, naging sarcastic si Carla nang sabihin niya ang hindi niya pagiging sweet boyfriend.
- Latest