Gloria Romero, atbp. nagpaunlak sa best friend
MANILA, Philippines - Isa kami sa mga na-invite sa birthday party ni Mrs. Lily Chua kamakailan na ginanap sa Corinthian Gardens Clubhouse, Quezon City. Dumating lahat ang kanyang mga kamag-anak at siyempre ang kanyang dalawang anak at manugang na galing Amerika.
Hindi rin nawala ang kanyang best friends sa showbiz gaya nina Gloria Romero, Daisy Romualdez, Manny Paner, Atty. Lozano at daughter, at Elizabeth Ramsey na naghandog ng magagandang awitin. Dumating din ang singer na si Erik Santos at ang aktres na si Danita Paner para mag-entertain.
Maraming inihandang masasarap na pagkain sa mga bisita. Nagsimula ang party ng 7 p.m. at umabot hanggang hatinggabi.
Happy birthday uli Mrs. Lily!
- Latest