^

Pang Movies

Pinagpasahan ng mayayamang bading male contestant ginamit ang katawan para yumaman!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na raw bumalik sa kanyang corporate job ang isang male contes­tant ng isang sikat na reality show dahil mas malaki nga naman ang kinikita niya after matapos ang show.

Dati-rati raw ay nagtatrabaho siya sa isang kumpanya ng higit sa otso oras mula Lunes hanggang Biyernes. Minsan ay nag-o-overtime siya para mas malaki ang kitain niya.

Noong maging contestant siya sa isang reality show, ang goal niya ay pasukin ang showbiz dahil mas malaki raw ang kikitain niya roon basta makilala lang niya ang mga tamang tao.

Hindi siya nagkamali dahil after ng show ay dagsa ang mga gusto siyang makilala — marami sa kanila ay mga bading!

Oo at naging flavor of the season ang male contestant dahil maganda ang charisma bukod sa machung-macho pa siya.

Dahil ayaw na niyang bumalik sa dating routine ng buhay niya sa opisina, naghanap siya ng kakaibang excitement sa mundo ng showbiz. ’Yun lang, ipinagamit niya ang kanyang katawan sa kung sinu-sinong bading na tumulong sa pagbuhay sa kanya.

Paminsan-minsan ay may mga raket na indie films ang male contestant pero mas madalas na nasa piling siya ng isang madatung na bading at buhay-hari siya.

Dahil mabait at malambing ang male contestant, nirerekomenda siya sa iba’t ibang mga madadatung na bading. Walang problema iyon sa male contestant dahil tumataas ang presyo niya kapag pinapasa siya sa mas mayaman at mas kilalang bading sa industriya.

Nakapagpatayo na ng magandang bahay sa probinsiya ang male contestant at maganda ang sasakyan na nabili dahil lang sa walang puknat na bookings niya.

Sex Bomb lumabas sa Japanese show

Hindi pa pala laos ang Sex Bomb dancers dahil kailan lang ay na-feature sila sa sikat na Japanese show na Why Did You Come to Japan?

New Year’s vacation lang ang plano ng Sex Bomb girls na sina Aira Bermudez, Louise Bolton, at Jopay Paguia sa Japan. Pero bigla silang nilapitan nina Osamu Shitara at Yuki Himura, mga sikat na Japanese comedian at staff ng naturang show.

Dahil ilang beses nang nagtrabaho sa Japan si Aira, siya ang nakipag-usap sa staff ng show in Nihonggo. Nalaman ng staff na sikat silang dance group sa Pilipinas at may ilang Pinoy ngang nakakilala sa kanila at nagpa-picture pa.

Humingi ng permiso ang show kung puwede ba silang sundan ng buong araw para makunan ang magiging activities nila sa Japan.

Nakunang nag-aral silang mag-ski at naglaro sila sa snow. Pati ang pagbili at pagkain nila ay ipinakita.

Nagpakita rin ang programa ng ilang clips ng dating afternoon show nila na Daisy Siete bilang patunay na celebrities sila sa Pilipinas.

Mapapanuod sa YouTube ang kanilang nakakatuwang episode sa Why Did You Come to Japan?

vuukle comment

AIRA BERMUDEZ

DAHIL

DAISY SIETE

JOPAY PAGUIA

LOUISE BOLTON

NIYA

SEX BOMB

SHOW

SIYA

WHY DID YOU COME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with