^

Pang Movies

Character actress banned nang mag-guest, inaway ang staff sa kapipilit SA mga iniendorsong produkto

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Banned na sa anumang guestings ang character actress dahil sa hindi magandang sinabi nito sa staff ng isang show. Sobra raw kasi kung makapagsalita na halos laitin na ang production staff noong minsang kunin siyang mag-guest.

Ang dahilan ay pinagpipilitan diumano ni character actress na mai-promote nito ang kanyang ini-endorse na gamot. Dala raw niya ang mga gamot at gusto niyang naka-display iyon habang ini-interview siya.

Pinaliwanagan ang character actress na hindi puwede ang gusto niya dahil parang nagpa-plug na sila ng produkto na libre.

Kailangan daw dumaan muna ’yun sa kanilang marketing executives. Bawal kasi sa kanila ang basta na lang magpakita ng produkto dahil meron naman silang mga advertiser.

Bigla na lang nagsisisigaw ang character actress at sinabing hindi siya lalabas hanggang hindi niya dala-dala ang mga ini-endorse niyang gamot. Nagbanta pa siya na magwo-walkout kapag pinigilan siyang magsalita tungkol sa kanyang mga iniendorsong gamot.

Dahil sa pagwawala ng character actress, itinigil muna ang taping at pinatawag ang ilang head ng production dahil sa reklamo nito.

Iisa lang ang mga sinabi nila sa cha­racter actress, tungkol sa pag-eendorso nga. Okay lang ang pasalamatan ang nag-make-up o ang damit na suot niya. Huwag lang products dahil makakasira ito sa kanilang advertising contract.

Dahil hindi nasunod ang gusto ni character actress kung anu-ano na ang mga pinagsasabi nito tungkol sa show at nilait-lait ang mga staff na pinagkaisahan siya. Sabay umalis na lang ito.

Malaking abala ang ginawa ng character actress kaya nakapag-resume ng taping pagkatapos pa ng apat na oras dahil naghanap ng ipapalit na guest.

Pero dahil sa pagwawala na iyon ay naglabas ang memo ang network na banned na ito na mag-guest sa anumang show. Kahit na raw nasa cast pa ito ng isang teleserye ng network, hindi siya maaaring mag-guest dahil sa pagiging unprofessional.

2 Pinay kabahagi na sa Top 30 ng AI

Dalawang Filipino-American contestants ang nakapasa para maging kabahagi ng Top 30 ng American Idol Season 13.

Ito ay sina Malaya Watson at Marrialle Sellars na kapwa pumasa sa kanilang mga audition sa Detroit, Michigan noong July 2013.

Mga Pinay ang mother nina Malaya at Marrialle.

Si Malaya ay 16 years old at taga-Southfield, Michigan. Galing siya sa pamilya ng mga musician at expert siya sa pag-play ng violin at isa siyang tuba player.

Na-impress sa kanya ang mga AI judge na sina Keith Urban, Jennifer Lopez, and Harry Connick, Jr. sa audition piece niya na Ain’t No Way ni Aretha Franklin.

Pero sa Hollywood Round Top 30 Reveal, namangha ang judges dahil sa rendition ni Malaya ng I Believe ng AI winner na si Fantasia Barrino.

Kinorek pa ni Malaya si Connick sa tamang pronunciation ng kanyang name which means “freedom.”

Sagot naman ni Connick: “I’m glad that you reminded me of the pronunciation of your name because that name has great potential to be a star at some point. You’re going to be on the Top 15. Congratulations, we look forward to seeing you grow!”

Si Marrialle naman ay 17 years old na taga-Indianapolis, Indiana.

Nagustuhan naman siya ng mga AI judge dahil sa acoustic version niya ng Grenade ni Bruno Mars.

Nasabi pa ni Connick sa kanya: “You are going to be a nightmare for the other competitors.”

Pero kahit na may mga inconsistent performance si Marrialle, hindi nila maiaalis na very talented ito at makapasok sa Top 30.

Kung papalarin nga sina Malaya at Marrialle na makapasok sa Top 12, kabilang na sila sa mga Fil-American na nagpakita ng kanilang husay sa pag-awit sa American Idol stage tulad nina Jasmine Trias, Camille Velasco, Ramielle Malubay, Thia Megia, at Jessica Sanchez.

ACTRESS

AMERICAN IDOL

AMERICAN IDOL SEASON

CONNICK

DAHIL

MARRIALLE

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with