^

Pang Movies

Deniece wasak na wasak na ang credibility, producer na nagka-interes pinigilan ng mga nagmamalasakit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mahihirapan si Deniece Cornejo na matupad ang dream niya na maging aktres dahil negang-nega ang kanyang image.

Isang movie producer ang nagkaroon ng interes na bigyan ng project si Deniece pero nagbago ang isip niya dahil inawat siya ng kanyang mga adviser.

Masasayang lang ang datung ng movie produ dahil im­­­- b­yer­na pa rin ang publiko sa dalaga na nag-akusa ng rape kay Kuya Vhong Navarro.

Lalong nawalan ng credibility si Deniece nang lumitaw ang video ng paghalik ni Cedric Lee sa kanyang leeg na pilit na binigyan ng justification ng isang abogado. Kahit anong explanation ng abogado, hindi ako makukumbinsi dahil may experience kami sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

Hindi ko na ikukuwento ang experience na sinasabi ko para  hindi na ma-bother si Atty.

Malaki ang possibility na si Al Tantay ang ipalit sa role ni Roy Alvarez sa Villa Quintana.

Sa biglang-tingin, malaki ang pagkakahawig nina Al at Roy kaya pasado na siya bilang Don Manolo Quintana.

Kung si Al ang final choice, kailangan niya na mapanood ang past episodes ng afternoon teleserye ng GMA 7 para magkaroon siya ng idea sa pag-atake ni Roy sa karakter na kinamatayan nito.

Hindi pa rin makapaniwala ang co-stars ni Roy sa kanyang biglaang pagpanaw noong nakaraang linggo dahil sa heart attack.

Helen at Maricel tuloy na ang pagsasanib puwersa sa GMA

Magsasama sa bagong primetime show ng GMA 7 sina Helen Gamboa at Maricel Soriano.

Ang teleserye na may working title na Ang Dalawang Mrs. Real ang unang drama series nina Mama Helen at Maricel sa Kapuso Network.

Kasali dapat si Mama Helen sa cast ng Akin pa rin ang Bukas pero nagkasakit siya kaya ipinalit sa kanya si Liza Lorena.

Magaling na magaling na si Mama Helen kaya tuluy-tuloy na ang pag-apir niya sa teleserye ng GMA 7 at magkakasama pa sila ni Maricel Soriano.

 Kasama rin sa bonggang project sina Lovi Poe at Dingdong Dantes. Dati-rati, ang tatay ni Lovi na si Fernando Poe, Jr., ang katrabaho ni Maricel. Ngayon, ang anak na ng Hari ng Pelikulang Pilipino ang co-star niya.

Regine hindi nakontrol ang pag-iyak

Congrats kina Martin Nievera at Regine Velasquez dahil tagumpay ang kanilang Voices of Love concert sa Mall of Asia Arena.

Muling pinatunayan ng dalawa na malakas pa rin ang hatak nila sa concertgoers na nag-enjoy nang husto sa kanilang tandem at mga kanta.

Inabangan ang tribute ni Regine sa kanyang pumanaw na ama na si Mang Gerry. Cry me a river si Regine nang kantahin nito ang You na isa sa mga paboritong kanta ng kanyag ama.

Nagulat ang mga reporter na nanood ng Voices of Love dahil  kinanta ni Regine ang ilang linya ng Leader of the Band. Nagsalita kasi si Regine sa last presscon ng Voices of Love na hindi niya kakantahin ang Leader of the Band dahil tiyak na iiyak siya.

Pero may-I-sing ni Regine ang Leader of the Band na favou­rite song din ni Mang Gerry. Napaluha ang mga nanood nang kantahin ni Regine ang last part ng song na may lyrics na “I am a living legacy to the leader of the band.”

 

AL TANTAY

CEDRIC LEE

LEADER OF THE BAND

MAMA HELEN

MANG GERRY

MARICEL

MARICEL SORIANO

REGINE

VOICES OF LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with