Request na permanent protection order ni Deniece para di malapitan ni Vhong, tsinugi ng korte
Na-deny ang petition ni Deniece Cornejo na Permanent Protection Order o PPO para hindi makalapit sa kanya si Vhong Navarro.
Bakit naman pagbibigyan ang petisyon ni Deniece eh si Vhong ang biktima at higit na nangangailangan ng proteksyon?
Nadagdagan na ang mga ebidensya na hawak ng kampo ni Vhong dahil na-retrieve na ng NBI ang palitan nila ng mga text message, kahit binura ito ni Cedric.
May dapat ikatensyon si Deniece kapag isinapubliko ng NBI ang palitan nila ni Vhong ng text messages dahil malalaman kung gaano sila ka-sweet.
Ang magpainterbyu uli sina Cedric at Deniece ang request ng media.
Gustong malaman ng media ang sagot nina Cedric at Deniece sa paglabas ng CCTV footage na nagpapakita sa businessman na hinahalikan ang leeg ng dalaga.
Pero baka hindi na magsalita si Deniece dahil sa libu-libong komento sa Youtube video ng live guesting niya sa Startalk. Nega ang lahat ng comments na dumikdik nang todo sa pagkatao ni Deniece.
Cesar may ibang dahilan kaya sumuko sa Sugo
Hindi na si Cesar Montano ang co-director ng Ang Sugo dahil mahihirapan daw siya sa deadline na ibinibigay sa kanya, na kailangang matapos sa June 2014 ang epic project.
Pero iba ang kuwento na nakarating sa akin. May mas malalim daw na dahilan kaya nag-back out si Cesar pero pinili nito na huwag nang magsalita.
Matagal nang binabalak ang Sugo kaya nakapagtataka na hindi pa nagsisimula ang shooting ng pelikula na maraming artista ang kasali. Mahihirapan nga na matapos ang shooting ng Ang Sugo sa June.
Gov. ER nakatutok sa pagdarausan ng palarong pambansa
Double time ang workers na gumagawa sa quarters na gagamitin sa Palarong Pambansa 2014 na gaganapin sa Sta. Cruz, Laguna.
Sa May na ang Palarong Pambansa kaya naghahabol sa oras ang mga manggagawa.
Hands on si Laguna Governor ER Ejercito sa mga paghahanda sa Palarong Pambansa na tinawag niya na Olympic Games ng Pilipinas. Ang Palarong Pambansa ang isa sa pinakamalaking project ni Papa ER.
Maynila walang planong Ibenta ni Rep. Lito
Walang plano si Buhay Party List House Representative Lito Atienza na ibenta sa ibang bansa ang TV show nilang Maynila.
Si Papa Lito ang host ng Maynila na napapanood sa GMA 7 tuwing Sabado at 14-years na sa ere dahil patuloy na tinatangkilik ng mga Pinoy.
Hindi ibebenta ni Papa Lito sa ibang bansa ang Maynila. Happy na si Papa Lito na maipakita sa Maynila ang kagandahan ng lungsod at ang kagandahan ng ugali ng mga Pinoy.
Kung nanonood kayo ng Maynila, mapapansin ninyo na nag-iiwan ng good values sa teÂleviewers ang lahat ng weekly episodes nito.
- Latest