Heart matindi pa rin ang galit sa ina
Halata mo pa rin ang galit ni Heart Evangelista sa ermat niya. Doon sa kanyang recent TV interview, panay ang sabi niyang nami-miss niya ang father niya pero ni minsan ay hindi niya binanggit ang ermat niya. Siguro nga hanggang ngayon ay dala pa niya sa loob ang pagkaka-snub sa kanya ng ermat niya sa Makati bago mag-Pasko. Inaamin naman niyang napahiya siya nang hindi siya payagan nitong lumapit at humalik bilang pagbati.
First time ring sinabi ni Heart ang kanyang iba pang sama ng loob, na noong araw ay hindi siya nakakahawak ng pera niya. Ang mga magulang niya ang may hawak ng lahat ng kanyang kinikita, pero mayroon naman daw siyang credit card para makabili kung mayroon man siyang gustong bilhin.
Ngayon sinasabi nga niyang mas malaya na siyang magawa kung ano man ang gusto niya matapos siyang umalis sa poder ng kanyang mga magulang.
Pero kahit ano pa ang sabihin niya, hindi maiÂkakailang hindi maganda na may conflict siya sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina. Iba ang dating lalo na sa mga Pilipino. Kasi sa mga Pinoy, mas lamang talaga ang tingin sa mga nanay. In fact kahit na ano pa ang sabihin mong ugali ng nanay mo, hindi ka maaaring magsalita kontra sa kanya. Masama ‘yun sa pandinig ng Pinoy.
Ngayon may sarili nang bahay si Heart na ipinagmamalaki niya. Maliwanag din namang sinabi niya na any moment ay pakakasalan na niya ang kanyang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero. Tutal nasa edad na siya at legal nang magpakasal kahit na walang parental advise. Siguro naiisip din niyang baka iyon na ang kanyang “escape†sa kanyang mga problema.
Pero mas mabuti pa ring ayusin niya kung ano man ang nagiging problema niya sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina. Hindi pa rin maganda iyang ganyang may conflict siya sa mismong pamilya.
Rodjun at Enzo namigay ng mga bulaklak
Magandang gimmick iyong ginawa ng Unang Hirit kung saan may mga kinukuha silang guests para magbigay ng Valentine cheers. Ang una naming napanood ay si Rodjun Cruz, na matapos ang isang maikling interview ay pinapunta nila sa isang lugar kung saan ang lahat ng makasalubong niyang babae ay binibigyan niya ng roses. Siyempre natuwa ang mga naabutan. Noong sumunod na araw naman, si Enzo Pineda ang kanilang dinala sa isang school para mamigay din ng flowers sa mga babaeng estudyante. Napakamahal ng flowers dahil Valentine’s day, masasabi mong namumuhunan talaga sila.
Pero speaking of Rodjun. Malakas ang dating ng batang iyan sa mga fans. Kung makikita lang n’yo ang mga comments sa kanya sa Internet, at kung iisipin n’yo ang katotohanan na naging bida siya sa isang high rating afternoon soap noong araw, aba eh may hatak talaga iyan. Bakit nga ba hindi mabigyan ng mas malaking break si Rodjun?
Mga namumuno sa showbiz industry hindi talaga mga ‘lider’
Mukhang tama ang obserbasyon ng mga kritiko, ang mga nagsasalitang namumuno sa industriya ng pelikula ay hindi na actual leaders dahil sila ay mga dating producers, dating director, at dating mga artista na hindi na aktibo. Bakit nga kaya hindi nila hayaan ang mga tunay na leaders na aktibo pa?
- Latest