^

Pang Movies

Obserbasyon parang in love pa sa dating asawa Kris ipinagtanggol si James sa pagbebenta’ ng laro

- Vinia Vivar - Pang-masa

For sure ay ikinatuwa ni James Yap ang ginawang pagtatanggol sa kanya ng ex-wife na si Kris Aquino sa live episode ng Aquino & Abunda Tonight last Tuesday.

Naakusahan kasi si James ng mga netizens na ibenenta niya ang game 6 ng laban ng team nila (San Mig Coffee) against Ginebra San Miguel.

Ayon kay Kris, hindi raw ganu’ng klaseng tao ang ex-hubby.

 â€œHindi, eto ha? Diretsong sagot. Sa matagal na panahon na nakilala ko si James Yap at nakilala ko ang buong pagkatao niya, hindi niya gagawin ang magbenta ng laro dahil buong buhay niya, binuhos niya for that,” say ni Kris.

Ipinaliwanag din niya na walang reason para magbenta ng laro si James dahil sa laki ng kontrata nito.

“As somebody who used to read the contract of James Yap, pag pumasok sila sa Finals, kahit anon’g benta na sinasabi nila, matutumbasan ‘yun ng kikitain niya by making it to the Finals.

“Ganu’n kalaki ang kontrata niya, so there’s no reason for him to sell the game and at the end of the day, you are as good as your last game,” say ni Kris.

Biniro naman ng co-host niyang si Boy Abunda si Kris at sinabing “you know, if I didn’t know that you were separated, I would think that you’re still so in-love.”

Napa-Oh my God si Kris at ipinaliwanag na inalis na raw niya kasi ang lahat ng galit sa puso niya at binati pa ng “Happy birthday” ang dating asawa na magdiriwang ng kaarawan on Saturday, Feb. 15.

Piolo naka-take 10 sa isang eksena

Aminado si Toni Gonzaga na pahapyaw siyang nasigawan ni Inang Olive Lamasan habang ginagawa nila ang pelikulang Starting Over Again with Piolo Pascual.

 â€œHindi naman siya nagalit nang sobra sa akin kasi in-aim ko ‘yun eh, na huwag magalit sa akin si Inang hanggang matapos ang movie,” she said.

 â€œMay mga pahapyaw lang na sigaw. Hindi kasi ako makara­ting minsan sa karakter (ko). Parang nasa Makati ‘yung karakter, nasa Taytay pa ako,” pagbibiro pa ng actress/TV host.

So, ang ginawa raw sa kanya ni Inang ay ipinush ang kanyang mga buttons  at napagsalitaan ng kung anu-ano.

 â€œMay mga sasabihin siya minsan, personal, minsan, sa trabaho. Tapos ‘yun, mararamdaman mo na agad.”

Maging si Piolo ay inaming may eksenang hindi siya makakalimutan under Direk Olive na talagang nagpa-stress daw sa kanya nang bonggang-bongga.

 â€œInabot ng take 10 yata ‘yun. Because may direct shift du’n sa karakter ko. So, hindi ko makuha-kuha ‘yung gusto ni Inang, so nakaabot na kami ng take 10 and I was really getting frustrated,” kuwento naman ni Papa P.

Anyway, nagkaroon ng premier night ang Starting Over Again last Tuesday night na talaga namang sobrang dinumog ng tao. Punung-puno ang sinehan ng SM Megamall at ang dami pang gustong manood sa labas na hindi na makapasok.

Tama si Direk Olive, scandalous and animalistic nga ang love scenes. Pero dahil nga she made it in a funny way, ang linis ng pagkakakuha.

Na-shock kami sa eksenang hinubaran ni Piolo si Toni ng blouse and pants at ipinakitang naka-bra lang ang TV host/actress. First time niya talagang gumawa ng ganitong klaseng eksena.

And take note, ang dami nilang kissing scenes, huh!

Ang mas nakakaaliw, naroroon ang parents ni Toni sa sinehan at nanoood din siyempre bilang suporta sa movie ng anak. Kaya naman we wonder kung ano ang kanilang naging reaksyon.

Gandang-ganda kami sa ending ng movie, ‘yung last 5-10 mi­nutes na eksena na talaga namang nabingi kami sa sobrang sigawan ng tao.

May cameo appearance sina Vhong Navarro, Luis Manzano, Sam Milby and Toni’s real-life boyfriend, Direk Paul Soriano. Nakakatuwa kung paano sila pinasok sa kwento and take note, pina­kabongga ang appearance ng real bf, huh!

Nagsimula na ang showing ng Starting Over Again kahapon, Feb. 12 nationwide.

 

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

BOY ABUNDA

DIREK OLIVE

INANG

JAMES YAP

NIYA

PIOLO

STARTING OVER AGAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with