^

Pang Movies

Ellen Adarna rumatsada nang mapunta sa Kapamilya, so so lang nung nasa GMA 7

Jun Nardo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ratsada si Ellen Adarna ngayong nakalipat na siya sa ABS-CBN. Nabibigyan na siya ng solo interviews ngayon at napapansin na ang pagpapaseksi niyang ginagawa, huh!

One of those lang dati sa GMA 7 si Ellen. Ayaw magmarka ng name niya kahit na nga magpakontrobersiyal siya. Kaya kataka-taka na nabigyan siya ng pansin ng ABS-CBN ngayon. Ginagamit ang kaseksihan niya para sa pagbibigay ng tips sa mga gustong magkaroon ng kurbada ang katawan!

Nabulilyaso nga lang ang pagiging leading leady niya kay Vhong Na­varro sa gagawin nilang movie. Pero may kuneksiyon din pala ang sexy star kay Cedric Lee kaya naging hot copy rin siya!

 â€˜Yun nga lang, kung kelan nabigyan ng malaki-laking break si Ellen sa pelikulang Basement na pinagbibidahan ng GMA stars, saka pa siya kumawala sa network na nagdiskubre sa kanya, huh! Kung kalahati nga ng katawan ni Ellen ang ginamit sa eksenang naka-bikini, aba, seksing-seksi na nga ang hitad, huh!

Ang kasabayan niya noon na si Gwen Zamora ay nasa GMA pa rin pero may naamoy kaming chika na lilipat na rin siya sa Dos matapos ang kontrata niya sa Kapuso Network, huh!

 

Labanan sa golden screen awards mahigpit

Mahigpit ang labanan para sa best actress at best actor para sa 2013 Golden Screen Awards for Television na handog ng Entertainment Press Society sa March 21 sa Teatrino’s Greenhills.

Panlaban ng ABS-CBN sa Oustanding Performance By an Actress in a Drama Series sina Maja Salvador at Kim Chui para sa Ina, Kapatid, Anak at Bea Alonzo sa A Beautiful Affair at Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart. Katunggali ng apat ang Kapuso stars na sina Marian Rivera sa Temptation of Wife, Carla Abellana sa My Husband’s Lover, Gina Alajar sa Hiram na Puso at Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali. Tanging si Ritz Azul para sa Misibis Bay ng TV5 ang nominado sa kategorya.

Exciting din ang labanan sa counterpart na best actor. Magkasama man sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover, magkalaban pa rin ang mangyayari sa kanila. Ang Kapuso actors na nominated sa kategorya ay sina Bong Revilla, Jr. (Indio), Dingdong Dantes (Pahiram ng Sandali), Alden Richards (Mundo Mo’y Akin) at Rocco Nacino (Bayan Ko.) Tanging sina John Lloyd Cruz (A Beautiful Affair), at Coco Martin (Juan de la Cruz) ang Kapuso actors na nominated.

Pagdating sa Helen Vela Lifetime Achievement Awards, bibigyan ni ENPRESS ang recognition sina Nora Aunor para sa drama; Mayor Herbert Bautista sa comedy at ang Tulfo Brothers para sa news broadcast.

Si German Moreno naman ang tatanggap ng  Gawad Dolphy Lifetime Achievement Award.

vuukle comment

A BEAUTIFUL AFFAIR

ALDEN RICHARDS

ANG KAPUSO

BAYAN KO

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEA ALONZO

BONG REVILLA

CARLA ABELLANA

CEDRIC LEE

MY HUSBAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with