Panlalait ang natikman ng young actress na dumalo sa isang showbiz event dahil sa kanyang baduy na outfit.
Feeling maganda ang young actress, itsurang hindi angkop sa okasyon ang kanyang damit na madalas gamitin ng vaudeville dancer noong early 30’s. Ganyan kabaduy ang young actress na lihim na pinagtatawanan ng mga naka-sight sa kanyang outfit.
Matagal nang fashion victim ang young actress na may stylist pero bigo ito na gawin na class ang image ng kanyang kliyente na likas ang kabaduyan.
Louise super react sa pananampal ni Sarah kay Enzo
Showing ngayon sa mga sinehan ang Basement ng Coffee House Productions at Springboard Film Productions.
Starring sa Basement ang mga artista ng GMA Artist Center sa pangunguna nina Kristoffer Martin, Louise delos Reyes, Chynna Ortaleza, Enzo Pineda, Sarah Lahbati, Kevin Santos, Betong Sumaya, at Mona Louise Rey.
Kasama rin sa pelikula si Pilita Corrales at Ellen Adarna na gumanap na manananggal. Ibang-ibang ang kuwento ng Basement sa British horror movie na Basement din ang title at ipinalabas noong 2010.
May nagkuwento sa akin na nag-react si Louise sa eksena na sinampal ni Sarah ang kanyang boyfriend na si Enzo. Ganyan ka-in love si Louise kay Enzo. Super-react siya kesehodang pelikula lang ang kanyang pinanonood.
Ibang boses ang nag-dub ng mga linya ni Sarah sa Basement. Natapos ni Sarah ang shooting ng Basement pero hindi na siya nakapag-dubbing dahil nagkaroon na sila ng demandahan ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.
Matagal na nanatili si Sarah sa Switzerland at hindi naman siya puwedeng hintayin para sa dubbing ng kanyang mga dialogue dahil may playdate na hinahabol ang mga produ.
Pinaghirapan ni Sarah ang Basement. Kahit papaano, excited siya na mapanood ang pelikula na pinagpaguran at pinagpuyatan niya.
Malay natin, baka panoorin nila ni Richard Gutierrez nang sabay ang Basement dahil frequent visitor sa set ang aktor habang ginagawa ni Sarah ang pelikula?
Max Collins walang yabang sa katawan
Two years ang bagong kontrata na pinirmahan ni Max Collins sa GMA 7 noong Lunes. Nauna muna ang presscon ng Innamorata bago ang renewal ni Max ng kontrata.
Ang Innamorata ang bagong show ni Max sa Kapuso Network. Kung suporta si Max sa Pahiram ng Sandali, bidang-bida na siya sa Innamorata.
Ang Pahiram ng Sandali ang drama series na pinagbidahan nina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes. Maganda ang role ni Max sa teleserye na tinanggihan noon ni Kylie Padilla.
Si Lorna ang nagkuwento sa akin na mabait na bata si Max at agree ako sa kanya dahil pati ang mga reporter, hanga sa magandang ugali niya. Walang kayabang-yabang sa katawan si Max na napagkakamalan na supladita dahil sa kanyang mestiza features. Sa totoong buhay, down-to-earth at mahusay maÂkisama ang lead actress ng Innamorata.
Fans ni Vhong nag-aalala sa pawalang balita ng pambubugbog
Worried ang fans ni Vhong Navarro dahil napansin daw nila na pawala na ang mga balita tungkol sa kaso ng TV host/comedian.
Walang dapat ipag-alala ang supporters ni Vhong dahil hindi siya pinababayaan ng kanyang mga abogado. Kumikilos ang mga legal counsel ni Vhong para magkaroon ng katarungan ang pang-uumbag sa kanya ng grupo ni CedÂric Lee.
Hindi naman puwedeng forever na si Vhong ang laman ng mga news progÂram at diyaryo ‘no! Maraming kaganapan sa ating bansa na dapat pagtuunan ng pansin ng media.