^

Pang Movies

Luis gustong ligawan si Jennylyn

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Inamin ni Luis Alandy na matindi ang crush niya kay Jennylyn Mercado at naniniwalang walang posible kung talagang gugustuhin niyang manligaw dito.

Naghiwalay sila ng kanyang girlfriend na based sa Canada dahil nahirapan sila sa long distance love affair. Pero ang maganda, nanatili naman silang mabuting magkaibigan kahit hiwalay na.

Noon pa man ay hanga na ito kay Jen at kapag nagkaroon ng pagkakataon ay liligawan niya ang magandang aktres.

Sa kabilang banda, bulag ang karakter na ginagampanan ni Luis sa Innamorata at bilang paghahanda ay pinanood nito ang Scent of a Woman kung saan, bulag ang role ni Val Kilmer.

 

Max excited nang magbida

Pressured pero excited si Max Collins sa pagbibida nito sa Innamorata. Nilagyan pa siya ng prosthetic make-up kung saan isang oras at kalahati bago ito matanggal.

“Challenging sa akin ang karakter na ginampanan ko. Suportado ako ni Jackie Rice na nagbida na rin sa Sisid at Gwen Zamora na hindi naman nagtatampo kung bakit naunahan ko pang magbida. Nagpapasalamat ako sa malaking break na ito na ibinigay ng GMA 7,” anang aktres.

Maraming nag-iilusyon

na batang artista - Michael

Kasama rin sa Innamorata si Michael de Mesa at inaming masaya siya para sa anak na si Geoffrey Eigenmann na maganda ang relasyon kay Carla Abellana.

 â€œPagdating sa pag-ibig, never akong nakikialam sa aking mga anak. Bahala sila. ‘Pag masaya sila, masaya rin ako. Nakasuporta lang ako lagi sa kanilang dalawa ni Carla,” aniya.

Gusto ring ipagpatuloy ni Michael ang pagdidirek sa telebisyon. Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa mga kabataang artista ay ito ang naging pahayag ng multi-awarded actor. “Marami ang promising pero marami rin ang nag-iilusyon. Sa mga kasamahan ko sa Innamorata, wala akong problema sa mga kabataan. Propesyonal sila at magagaling umarte,” sey pa nito.

 

vuukle comment

CARLA ABELLANA

GEOFFREY EIGENMANN

GWEN ZAMORA

INNAMORATA

JACKIE RICE

JENNYLYN MERCADO

LUIS ALANDY

MAX COLLINS

VAL KILMER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with