Kasalanan ni Xian sinalo ng direktor ng Banana Nite
Humanga kami kay Direk Edgar “Bobot†Mortiz sa pagtatakip at pagtatanggol na ginawa kay Xian Lim during the presscon of Kapamilya ComeÂdy Shows na Home Sweetie Home, Banana Nite, Banana Split, Luv U, and Goin’ Bulilit.
Si Bobot ang direktor ng Banana Split and Banana Nite (pati na ang Home Sweetie Home) na maÂtatandaang nagkaroon ng controversy kailan lang involving Xian and Kim Chiu’s look-alike.
Ayon kay Direk Bobot, may kasalanan ‘din naman daw siya sa nangyari.
“Hindi kasalanan ni Xian ang nangyari kasi bigÂlaan talaga ‘’yung show na ‘yun, wala pa yatang isang linggo nun’g itinayo namin ‘yun.
“Ako ang nakaisip nu’n na igu-good-time si Xian. Actually, hindi niya alam na darating talaga ‘yun. Ang problema lang, hindi sila na-brief na habang kumakanta si Xian, lalapitan siya nun’g look-alike ni ano (Kim).
“So, ang nangyari, nakatayo lang siya at walang nakaaalam ng mangyayari. So, may kasalanan din ako dahil hindi dapat ganu’n ang nangyari kung naturuan ‘yung look-alike ni ano. Siguro, kung nilapitan niya si Xian, lalaruin na siya ni Xian.
“Eh hindi, nakatayo lang siya du’n. Ako man ‘yun, ‘di ba? Kung baga, anon’g ginagawa nito, anon’g gagawin nito? Parang ganu’n. Siguro, nagulat si Xian sa nangyari. Hindi naman kasalanan ni Xian ang nangyari. May pagkukulang din kami,†paliwanag ni Direk Bobot.
Nag-apologize na si Xian sa kanyang Twitter account right after the incident at ayon kay Direk Bobot ay hiningi rin nito ang number ng look-alike ni Kim, marahil, to apologize also.
When asked kung ige-guest pa ba nila si Xian, say ng direktor ay “oo naman†dahil alam naman daw niyang hindi sinasadya ng aktor ang nangyari.
Samantala, may bagong ii-spoof na naming programa ang Banana Split at ito ay ang bagong talk show nina Boy Abunda and Kris Aquino na magsisimula this Monday – ang Aquino & Abunda Tonight.
Of course, si Jayson Gainza ang mag-i-impersonate kay Kuya Boy at si Angelica Panganiban naman kay Kris. Tiyak na riot na naman ito.
Pero inaming gusto rin, Pooh hindi pa raw handang magkaroon ng sariling show
Kasama rin si Pooh sa cast ng Banana Nite/Banana Split at sa presscon ay natanong siya kung hindi ba siya naghahangad na magkaroon ng sariling show tulad ni Vice Ganda na kung tutuusin ay mas nauna pa siyang sumikat.
Ayon kay Pooh, alam naman daw niyang marami pa siyang dapat matutunan at aminado naman daw siyang marahil ay may kulang pa sa kanya.
“At inaamin ko naman talaga na magaling talaga si Viceral, magaling talaga si Vice. Walang kuwestiyon doon. Kasi, kahit dati sa sing-along namin, topnotch kung tawagin namin siya.
“So, talagang pangalawa lang kami, pangatlo, pang-apat at marami kami doon (sa comedy bar na pinagsimulan nila).
“So, talagang wala namang ano. . .hindi big deal ‘yung dahil sa may show siya, ganu’n. At saka masaya ako dito sa Banana Split,†paliwanag ni Pooh.
Pero siyempre, kung bibigyan naman daw siya ng sariÂling show ng ABS-CBN ay bakit naman siya tatanggi.
“Sino ba ang ayaw? Pero siguro sa panahong ito, baka wala pa ring pwesto, baka wala pa ring ano, alam mo ‘yun, antay-antay. Kung ano lang din ang ibigay,†say pa ng komedÂyante.
- Latest