^

Pang Movies

Ibinuko ng dating kasama Dating sexy star, parang drugstore ang katawan sa rami nang iniinom at ini-inject na pampabata

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natawa na lang ang isang dating sexy star sa  interview na ginawa ng kapwa sexy star din sa isang lifestyle magazine.

Hanggang ngayon daw ay saksakan pa rin ng sinungaling ang sexy star na ito. Laos na raw pero super kung makatsika ng hindi totoo sa buhay niya.

Bukod sa ilang chika ng sexy star na kung anu-anong kaechosan, sobrang natawa ang ex sexy star nang marinig niya kung ilang taon na raw ang ini-interview na kapwa niya sexy star.

Claim ng sexy star ay 28 years old lang siya.

“Gano’n? 28 years old pa rin ang edad niya?” malakas na tawa ng dating sexy star.

“Hello, ako nga 33 years old tapos siya 28 pa lang? Eh mas matanda kaya siya akin!

“Ang alam ko, bata pa lang ako sa isang sitcom, siya ay luma­labas na sa isang teen drama sa kabilang channel. So paano siya mas maging bata pa sa akin? Kalokah siya!”

Ni-reveal ng dating sexy star na baka 35 years old na ang sexy star na ito. Hindi lang halata dahil hanggang ngayon ay mukha pa ring bagets ito.

“Lahat naman kasi ginawa ng babaeng ‘yan para mag­­muk­hang bata,” bu­king pa ng dating sexy star.

“Lahat ng parte ng katawan niya ay tinusok na at nalagyan na ng kung anu-anong gamot. Nagpadagdag na siya, nagpalaki at nagpasikip. Tapos kung anu-anong gamot ang iniinom niya.

“Minsan sa isang shooting namin out-of-town, nakiusap siya sa akin na iturok ang injection sa puwetan niya. Gluta shots daw niya iyon para hindi siya mangitim at matuyot ang balat.

“Kaya ang buong katawan niya, parang isang drugstore sa rami ng gamot na iniinom niya.

“I swear, kapag natigok ang babaeng ‘yan, may kinalaman ang mga droga na nilalagay niya sa katawan niya. At baka walang damo o halaman na tumubo sa paligid ng libingan niya dahil sa mga gamot na pinaglalaklak niya. Mamamatay lahat sa tindi ng mga droga niya!” tawa ulit ng sexy star.

Masuwerte nga raw ang sexy star dahil alaga ito ng isang mayamang pulitiko kaya maintained ang mga droga nito at pagpaparetoke. Kung sakaling walang “azucarera de papa” si sexy star, malamang na mukha na itong los­yang.

“Ang datung ng sugar daddy niya ang nagpapabata sa kanya kaya dapat alagaan niya ‘yan. Tigilan na niya ang kakatihan niya at kapag nalaman ang mga extra-curricular activities niya, baka basta na lang siyang iwan.”

vuukle comment

BUKOD

GANO

GLUTA

ISANG

LAHAT

NIYA

SEXY

SIYA

STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with