^

Pang Movies

Deniece mahihirapang makumbinsi ang publiko

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakaloka ang reaksiyon ng televiewers sa exclusive interview kahapon ng Startalk kay Deniece Millinette Cornejo.

Imbes na maawa kay Deniece, naimbiyerna ang televiewers dahil sa pag-iyak niya at pagmamatigas na inabuso siya ni Vhong Navarro.

Nahihirapan ang publiko na paniwalaan ang de­pensa ni Deniece dahil malinaw na malinaw na nakita sa Closed-Circuit Television (CCTV) footage na nakangiti ang dalaga habang inaayos ang buhok nang pumasok siya sa elevator ng Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City.

Walang-wala raw sa hitsura ni Deniece na pinagtangkaan ito na gahasain ni Vhong kaya ayaw paniwalaan ng madlang-bayan ang kanyang explanation.

Mahirap nang kumbinsihin ang publiko dahil hinusgahan na nila si Deniece na nanindigan na kakampi niya ang katotohanan.

Lolo ni Deniece naniniwalang nang-rape si Vhong

Nagpainterbyu na rin si Rod Cornejo, ang lolo ni Deniece na konektado dati sa GMA 7.

Bilang lolo ni Deniece, nasasaktan din si Papa Rod sa mga panlilibak sa kanyang apo na nag-aambisyon na maging artista.

Sinabi ni Papa Rod na beautiful and lovely person ang kanyang apo. Pinili rin niya na paniwalaan ang claim ni Deniece na pinagsamantalahan ito ni Vhong.

Nagkikita kami noon ni Papa Rod sa mga event ng GMA 7. Siya nga ang naging bridge kaya tinawagan ako noon ng madir ni Deniece sa telepono. Gustung-gusto ni Deniece na maging artista at type niya na ipa-manage sa akin ang kanyang showbiz career.

Walang nangyari sa pag-uusap namin ng madir ni Deniece dahil mas matutulungan siya ni Papa Rod dahil sa koneksiyon nito sa GMA 7.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, hindi na consultant si Papa Rod ng GMA 7 at tinutulungan niya si Cory Quirino sa Miss World Philippines.

Martin sinusubaybayan ang lagay ng TV host-comedian

Ipinagtanggol ni Martin Nievera si Vhong Navarro. Sinabi ni Martin na hindi siya naniniwala sa bintang na ginahasa ni Vhong si Deniece.

Nagkakuwentuhan kami ni Martin noong Miyerkules, isang araw bago ko dinalaw si Vhong sa ospital.

Affected si Martin sa nangyari kay Vhong. Puwede raw maranasan ng ibang tao ang traumatic experience ni Vhong.

May plano si Martin na dalawin si Vhong sa ospital pero hindi pa yata siya nakakapunta. Tinanong ko kasi si Vhong kung binisita na siya ni Martin at negative ang kanyang sagot.

Knowing Martin, gagawa siya ng paraan na masilip si Vhong, kese­hodang aligaga siya sa rehearsals ng Voices of Love, ang Valentine’s Day concert nila ni Regine Velasquez sa The Arena ng Mall of Asia sa Pasay City.

Interesadung-interesado si Martin sa kaso ni Vhong. Sinusubaybayan niya ang mga bagong kaganapan sa kontrobersiya na malaking learning experience sa TV host-comedian.

Vhong problemado kung saan uuwi pagkatapos sa ospital

Hindi pa alam ni Vhong kung saan siya uuwi kapag na-discharge na siya sa ospital. Isang bahay na secured ang kailangan ni Vhong para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.

Suportado ng ABS-CBN si Vhong. Hindi nila pinababayaan ang TV host/comedian. Ang Kapa­milya Network ang nag-provide kay Vhong ng security kaya bantay-sarado siya sa kanyang hospital room.

Humingi na rin ng tulong ang kampo ni Vhong sa DILG para sa additional security. Mukhang okay kay DILG Sec. Mar Roxas na bigyan ng police security si Vhong at ang pamilya nito dahil nakita naman niya na bugbog-sarado ang komedyante.

                                      

ANG KAPA

DENIECE

MARTIN

NIYA

PAPA ROD

SIYA

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with