^

Pang Movies

Ihip ng hangin naiba, ‘wala akong galit kay Claudine’ – Gretchen

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nilinaw ni Gretchen Barretto na ang court appearance niya ay hindi upang tumestigo laban sa kanyang bunsong kapatid. Pinatawag sila ng korte upang lumagda sa affidavit na nagtatanggol sa kanila ni Raymart Santiago.

Siyempre madamdamin ang paliwanag ni La Greta na hindi niya ipapahamak ang kanyang kapatid na si Claudine, “I don’t hate my sister. I hate what she’s doing.”

Marahil si Gretchen lang ang tanging lubos na nakakaunawa sa kanyang binitiwang statement.

Charice first time napanood ng kanyang lola

Suwerte ang panonood ng lola ni Charice Pempengco sa isang live concert ng internatio­nal singer sa Laguna. First time palang manood ng show ng kanyang apo ang nanay ni Raquel (ina ni Charice) na matagal nang magkagalit.

This week, Charice’s new Chapter 10 album is charted as No. 1 hit song in the overall list. Nasapawan pa niya ang Britney Jean deluxe edition ni Britney Spears at No. 2.

Marami pang OPM artists ang nasa overall charts Top Ten —si Angeline Quinto (Higher) at No. 6, Parokya ni Edgar’s Bente listed No. 7, Noel Cabangon Acoustic, No. 8, and Regine Velasquez’s Hulog ka ng Langit, No. 10.

Siyempre ang Chapter 10 ni Charice ang No. 1 sa OPM hits at meron isang regional album na nakapasok sa charts— ang Cebu Celebrates Sinulog ni Dandin Ranillo, na isang beteranong singer/recording artist, from the Ranillo clan of Gloria Sevilla and Mat Ranillo, Jr.

MTV Pinoy sesentro sa mga original

Ang MTV Pinoy na partnership ng Viacom International at Viva Communication ay nakasentro sa mga original production. Mapapanood ang cable channel simula bukas, Jan. 30.

Kabilang sa mga programang sisimulan ay ang OPM Show, Halu-halo, Top 20, at Pinoy Beats.

Gov. ER mamimigay ng cash sa mga Palarong Pambansa winners

Ang probinsiya ng Laguna, sa pamumuno ni Gov. ER Ejercito, ang host ng Palarong Pambansa sa May 4-10. Kaya abalang-abala ang actor/politician upang maging handa sa pagtanggap ng 17,000 athletes, coaches, and sports officials mula sa 17 regions ng bansa.

Kung ang Laguna Festival of Life ang nanalong Best Tourism Event of the Philippines in 2011, 2012, and 2013, nangako ang gobernador na ang Palarong Pamban­sa 2014 sa Laguna ang magiging pinakamalaki at pinakamarangal na pagbibigay karangalan para sa lahat ng Pinoy athletes.

Tama ba ang aming narinig na magbibigay ng cash prizes para sa magwawagi ng medalya at tatanghaling mga kampeon sa iba’t ibang larangan ng palakasan?

Richard nawala ang atensiyon sa sports

Dating aktibo si Richard Gomez sa mga ganitong sports event. Lubhang abala siya sa kanyang trabaho bilang lead actor ng mga teledrama at ang patuloy na pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Ormoc, Leyte sa distritong pinaglilingkuran ng kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez bilang representative sa Kongreso.

Marami pa silang dapat asikasuhin at tulungan sa Ormoc kaya’t dito nakasentro ang kanilang mga gawain.

Pinay car racer pinag-iinteresan ng showbiz producers

Kahit maraming offer si Michelle Bumgarner na pumasok sa showbiz, hindi pa niya kayang gawin dahil very busy siya sa iba’t ibang international race at masaya siya bilang Asian karting queen.

Tipong artista ang car racer na ang ina ay may Pinoy blood kaya maraming producer na interesado siyang gawing bida sa pelikula.

Nakapirma na si Michelle sa Mazda Road to Indy for the next three years at marami pa siyang mga ka­re­rang sasalihan sa buong Asia at maging sa America at Europe.

Patutunayan ni Michelle na hindi lang para sa kalalakihan ang car racing kaya malakas ang loob niyang sumali sa mga karerang dominated by males.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

BEST TOURISM EVENT OF THE PHILIPPINES

BRITNEY JEAN

CHARICE

PALARONG PAMBANSA

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with