Aktor pinagbabantaan pero takot magsumbong, business na negosyong droga baka mabuking
Isang aktor ang pinag-uusapan na pinagbabantaan, pero ayaw niyang magreklamo sa kinauukulan. Takot siyang malaman ng mga pulis na any moment ay haharapin siya ng sindikato. Mabubulgar kasi ang ugnayan niya sa mga nasa illegal business ng bawal na gamot!
Kahit habang panahon naman siyang mag-TNT from them, darating din ang araw na matutuntun siya at magsasalubong sa daan! Sana humingi na siya ng tulong upang makaligtas sa nagbabantang panganib.
Glaiza kakarerin ang pagtuturo ng pag-arte
Seryoso si Glaiza de Castro na palakihin at mag-concentrate sa Talent Development Center in the year of the Wooden Horse. Sa Jan. 31 ang simula ng Lunar Calendar at feeling ng aktres, isang masuwerteng panahon ito para sa kanya.
Gusto niyang makatulong sa mga fresh talents, na naka-focus sa kanilang career.
Good luck Glaiza at baka sakaling higit na marami kang matuklasan at magawang successful showbiz artist, sa dating talent bureau ng iyong home network.
Mga artista suwerteng magnegosyo ngayong taon ng mga kabayo
Sa darating na Wooden Horse, may pakiramdam na maraming mga artista ang magtatagumpay sa negosyo, bukod pa sa kanilang pag-aartista. Kaya may mga young actress na iniipon lahat ng kanilang kita upang magkaroon ng sapat na investment.
Si Enzo Pineda kailangan ng malaking investment. Gusto niya kasing magpaupa ng mga condominium units. Take note, hindi lang basta apartment. Sa condo unit, dapat may milyones ka bago makabili kahit isa lang. Puwede naman idaan sa finanÂcing at makakuha ng big loan. Kailangan pa bang mangutang ni Enzo?
Premiere ng obsession walang kabali-balita
Ano kaya ang nangyari sa premiere telecast ng Obsession last Thursday evening? Wala kasi kaming nabasang lumabas na rating ng mga shows that night.
Dapat kayang magdiwang ang members ng cast at ng kanilang TV content officer? Dapat kayang magpalabas na lang ng mga old movies na tinagalog?
Habang nagpoprotesta ang mga biktima ng bagyong Yolanda, baka maaaÂring tulungan muna ang nasaÂlanta, kung sobra-sobra talaga ang pera na malulustay lang sa mga ayaw panooring palabas sa TV!
The library patuloy ang paglago
Patuloy ang pag-unlad ng The Library, sa pagbubukas ng kanilang Ortigas branch. Laging dinarayo ng mga mahilig sa videoke ang kanilang naunang Malate at Quezon City branch at ngayon sa higit na sosyal na lugar na sila.
Bakit kaya ang ibang sing-along bar. Hanggang isang lugar lamang, hindi pa gaanong pinupuntahan. Importante rin naman ang serbisyo ng mga waiter at ibang tauhan ng viÂdeoke. Meron kasing iba diyan na tatamad-tamad ang mga waiter. Ayaw mag-serve ng tubig na maiinom, kahit uhaw na uhaw na ang customer.
Robin at Mariel bakasyon-grande na naman
Mukhang maraming sobrang pera si Robin Padilla. Balak niya kaÂsing mag-produce ng gay film for his brother/sister BB Gandanghari. Kaya ba ni BB ang mang-akit ng mga manonood upang pilahan sa takilya ang kanyang pelikula?
Magbabakasyon ng isang buwan sa Stockholm, Sweden sina Binoe at ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez. Hindi pa niya makalimutan na tinanggihan silang ikasal sa Vatican. Puwede naman silang magtangka uli upang matupad ang gusto ni Mariel na makasal sa simbahan.
Ngayon wala siyang kontrata with ABS-CBN, maari niyang gawin ang lahat ng projects na binabalak niya. Puwede rin siyang mag-produce ng mga action teleserye, na ipapalabas sa Dos.
- Latest