^

Pang Movies

Marian pinadalhan ng plaque of recognition ng Vietnamese channel

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tinanggap ni Marian Rivera sa set ng Carmela (Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw) ang ipinadalang plaque of recognition mula sa Today TV ng Vietnam na napanalunan niya sa online voting ng fans as Most Favorite Foreign Artist na napanalunan din ng boyfriend na si Dingdong Dantes. Labis ang pasasalamat ni Marian at sana nga raw ay makapunta sila roon ni Dingdong sa awarding ceremonies sa December. 

Sa ngayon ay busy ang Primetime Queen sa halos araw-araw na taping ng Carmela dahil pilot telecast na nila sa Lunes, Jan. 27, after ng Adarna. Si Dingdong naman ay malapit na ring magsimulang mag-taping ng bago niyang drama series sa GMA 7. Reportedly, last week of February raw sila magsisimula ng Diamond Star na si Maricel Soriano. Si Denoy Punio raw ang head writer at si Andoy Ranay ang director. May working title na ang drama series pero ayaw pang ipasulat at binubuo pa rin ang cast nito.

Yasmien hindi nai-insecure kay Jennylyn

Kahit noon pang nasa StarStruck batch one sila, never silang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Jennylyn Mercado, ayon kay Yasmien Kurdi. Competition daw iyon na dapat ay gawin mo ang the best pero mas mapalad nga raw si Jennylyn dahil ito ang naging Ultimate Winner. Kuntento naman siya bilang First Princess dahil alam daw niya, kung siya ang nanalo, ang daming expectations sa kanya. 

Biniro namin si Yasmien ngayong magkakasama sila nina Jennylyn at Mark Her­ras sa Rhodora X, hindi ba niya nami-miss si Rainier Castillo na nabalita pang naging boyfriend niya during their StarStruck days? Nami-miss nga raw niya at ngayong wala na rin sa TV5 si Rainier, sana raw ay kunin ng GMA 7 ka­hit guest lamang sa kanilang drama series para mabuo sila. Sa story kasi ang makakatambal niya ay si Mark Anthony Fernandez.

Kung wala raw silang naging competition ni Jennylyn noon sa reality talent show, dito sa Rhodora X ay magkakaroon sila ng competition bilang magkapatid. 

Pero aminado si Yasmien na mas challenging ang role ni Jennylyn as Rhodora and Roxanne.

Sheena matatanda ang kasama sa birthday

Masaya si Sheena Halili na nagkaroon siya ng time na mai-share ang blessings niya sa mga resident ng Golden Reception and Action Center for the Elderly and Other Special Cases (GRACES) last Jan. 22. Sa tulong ng GMA Artist Center, doon siya nag-celebrate ng kanyang birthday. Lola at lolo’s girl daw siya kaya gusto niyang mapasaya ang mga elderly ng GRACES, kahit sa kanyang maliit na pamamaraan.  

Ngayon ay waiting siya for her next project na sabi’y part two ng Binoy Henyo.

 

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE SA MUNDONG IBABAW

ARTIST CENTER

BINOY HENYO

CARMELA

JENNYLYN

RHODORA X

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with