Pacman babawi kay Bradley!
Kaabang-aabang ang boxing fight ni Congressman Manny Pacquiao sa April 2014 dahil ang American boxer na si Timothy Bradley ang kanyang makakalaban.
Tinalo ni Bradley si Papa Manny sa huling laban nila noong June 2012 at marami ang naniniwala na dinaya ang Pambansang Kamao.
Kumbinsido ang lahat ng boxing fans na si Papa Manny ang true winner.
Pagkakataon na ni Papa Manny na patunayan sa April 2014 na siya ang tunay na winner sa nakaraan na laban nila ni Bradley.
Negosyong ramen ni Ogie pinipilahan
Ang ganda ng concept ng Samahang Walang Ka-VaÂlentine, ang Valentine’s concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum sa February 13, 14, at 15 sa Music Museum.
Hindi ko muna sasabihin ang concept ng concert para hindi ito gayahin ng ibang mga show producer. Si Solenn Heussaff ang special guest ni Ogie pero nag-iisip ito na mag-invite ng mga sikat na personalidad na loveless o malungkot ang Valentine’ s Day.
Sure na ang participation ni Lorna Tolentino sa concert ni Ogie bilang wala naman siyang Valentine date mula nang sumakabilang-buhay si Rudy Fernandez noong June 7, 2008.
Hindi panonoorin ni Regine Velasquez ang concert ni Ogie sa Music Museum dahil may Valentine’s Day concert din sila ni Martin Nievera sa Mall of Asia Arena.
Malamang na panoorin ni Regine ang last night ng concert ng kanyang dyowa sa February 15 dahil one night only ang Voices of Love nila ni Martin.
Ang igawa siya ni Regine ng Valentine card ang Valentine wish ni Ogie na parang naninibago nang tumuntong siya kahapon sa Ryu Ramen branch sa Morato Avenue, Quezon City.
Bihira nang makabisita si Ogie sa Morato branch ng kanilang popular restaurant dahil mas madalas siya sa Katipunan Avenue branch ng Ryu Ramen. Doing very well ang lahat ng branches ng Ryu Ramen na major sponsor ng Valentine concert ni Ogie.
Francine mas pinili ang naunang offer
Happy na si Francine Prieto dahil nakakatanggap na ito ng offer mula sa mga TV network na gusto siya na matulungan para magkaroon ng source of income.
Na-excite si Francine sa alok na makabilang siya sa cast ng Dyesebel ng ABS-CBN pero may conflict ito sa show na gagawin niya sa TV5. Naunang tinanggap ni Francine ang offer ng Kapatid Network bago dumating ang alok ng ABS-CBN.
Nahihiya naman siya na pagsabayin ang mga programa dahil siguradong magkakaroon ng problema sa kanyang schedule. Pinili ni Francine ang alok ng TV5 dahil ito ang unang nagtiwala sa kanya at nagbigay ng bagong show.
Maricel plantsado na sa GMA
Narinig ko ang balita na tuloy na ang paglipat ni Maricel Soriano sa GMA 7 at magsasalita lamang siya kapag plantsado na ang lahat.
Gusto raw ng management team ni Maricel na makapirma muna sila ng kontrata, bago magpa-interbyu at umapir ang Diamond Star sa mga programa ng Kapuso Network.
Naging visible sa TV si Maricel noong mga nakalipas na buwan dahil sa promo ng kanyang pelikula sa Viva Films, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.
- Latest