^

Pang Movies

Kaya hindi nawawalan ng trabaho, indie actress malakas ang koneksiyon

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Walang masyadong improvement ang indie actress sa kanyang acting. Ilan na ang nagdaan niyang indie films pero ganun at ganun lang din ang makikita sa kanya. Nabigyan siya ng malaking exposure sa isang foreign film production at napansin pa sa abroad ang pelikula pero kung tutuusin hindi naman niya naitodo ang talent niya.

Ang duda ng ilan, malakas ang koneksiyon ng indie actress dahil magaganda ang production na nasasamahan niya, malaki man o maliit ang role niya. O kaya ay maganda ang humahawak sa kanyang management kaya madali siyang naisasalpak kung saan.

Kasali uli kasi siya sa isang indie film na may mga foreign crew din na humahawak at siyempre maipapalabas uli sa ibang bansa. Wala nga lang siyang linya at naging alalay lang ng kilalang aktor. Bago iyon, lumabas din siya sa isang socio-political comedy na independent prod din pero sa flashback lang siya umeksena at walang dialogue. Pero sa pictorial at premiere night ay bumida-bida rin siya kasama ng major cast.

Kiko matos puwedeng maging Coco!

Ipapalabas na ngayong Miyerkules, Jan. 22, ang Mumbai Love. At marami ang mag-a-agree na pagkatapos ninyong mapanood ang pelikula ay hindi lang kay Solenn Heussaff kayo magiging fan. Baka mas lamang pa ang pagka-aliw n’yo kay Kiko Matos.

Ang baguhang aktor ang kapareha ng Fil-French beauty sa romantic comedy indie movie na tungkol sa dalawang magkaibang lahi na nagka-inlaban pero common denominator nila ang Pilipinas. Ang lakas kasi ng dating ni Kiko sa big screen at hindi naman siya tisoy tingnan. Sa indie film na Babagwa lang ba talaga siya galing? 

Sa totoo lang ay kakabugin niya ang ibang teen at young actors na papogi sa mga teleserye. May sariling style si Kiko sa pananamit at ang kilig factor niya ay nagmumula sa kanyang killer smile.

Pero dahil rom-com nga ang Mumbai Love, walang drama o iyakan na makikita na galing sa lead actor. Si Solenn lang ang nag-moment ng kaunti. Kaya hindi pa masasabi kung kaya rin ni Kiko na makipag-aktingan tulad ni Tom Rodriguez o ni Coco Martin na mga patok sa TV series. Pero ang comedy ay nadala naman niya ng maayos.

Isa lang ang dapat ingatan ni Kiko -- ang kanyang buhok. Medyo manipis na ang kanyang tuktok. May eksena kasi sa Mumbai Love na nabuhusan ng tubig ang kanyang ulo at na-flat talaga ang nakaalsa niyang buhok. Hindi lang halata kapag tuyo dahil medyo kulot siya. 

Baka mas maunahan pa niya si John Lloyd Cruz na mapanot eh mas matanda pa sa kanya ang Kapamilya actor. Sayang naman dahil may potential pa si Kiko na maging ka-love team ng ilang aktres.

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

COCO MARTIN

JOHN LLOYD CRUZ

KIKO

KIKO MATOS

LANG

MUMBAI LOVE

NIYA

PERO

SI SOLENN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with