^

Pang Movies

Project ni Guy sa TV5 naudlot na nang naudlot

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ano bang nangyari sa mga ipinangakong project ng TV5 sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor? Nakahihinayang na nasa naturang network na ang magaling na aktres and yet kung anu-anong anik-anik lang napapanood. Sa rami kasi nang dumagsang naglipat-bahay, hindi malaman kung sinong bibigyan ng trabaho!

Balita namin pirma na lang ni Presidente Noynoy Aquino ang hinihintay para maaprubahan ang pagiging National Artist ng singer-actress. Sana naman matupad na ang pinapangarap ng marami para kay Guy dahil very much qualified siya sa titulo kesehodang may mga kumokontra.

Rochelle tumatanaw ng utang na loob sa dating manager

Hindi nagbabago ang ugali ng Sexbomb girl na si Rochelle Pangi­linan kesehodang iba na ang kanyang manager. Halata pa rin ang kababaang loob. Na-depress ang dalaga noong mabalitaang hinagupit noon ng bagyong Santi ang bayan ng Jaen, Nueva Ecija. Pulos kasi ang bagyong Yolanda ang napag-uusapan kaya naikuwento naman namin ang bagyong Santi na nangyari noong Oktubre na grabe rin ang idinulot sa Nueva Ecija.

Giniba ang mga bahay at pananim doon. Naaalala ni Rochelle ang mga taga-Jaen noong imbitahan ni Mayor Santiago Austria na mag-motorcade roon. Parang hindi makapaniwala si Rochelle na mara­ming mga tagahanga niya roon ang apektado ng bagyo. Paano malilimutan ng Sexbomb girls ang Jaen eh noong namamayagpag pa ang grupo nila halos karamihan sa kanila — sina Jopay Paguia, Izzy Trazona, Sunshine Garcia, Louise Belton, Danielle Ramirez — ay pawang mga nag-motorcade sa nasabing lugar?

Nagkahiwalay man si Rochelle at nanay-nanayan niyang ex-manager na si Joy Cancio, nag-uusap naman sila ng maganda at walang tampuhan hanggang ngayon.

Mahal pa rin niya si Joy. Iyan ang simbolo ng isang artistang marunong tumanaw ng utang na loob, na hindi na yata uso ngayon sa showbiz.        

 

vuukle comment

DANIELLE RAMIREZ

IZZY TRAZONA

JAEN

JOPAY PAGUIA

JOY CANCIO

LOUISE BELTON

MAYOR SANTIAGO AUSTRIA

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with