^

Pang Movies

Aktres na kakahiwalay sa aktor, nakatisod ng foreign filmmaker!

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Akala natin malulugmok sa dusa ang isang aktres nang biglang natapos ang media hyped ‘‘blissful love affair’’ nila ng aktor. Madali siyang naka-reco­ver at may bagong boyfriend bigla!

The new love is a foreign filmmaker, na mayaman at single! Kaya pala hindi pinansin ng aktres ang isang Pinoy businessman na bukod sa kanyang legal wife ay marami ring extra-curricular affairs. Hindi po ito plugging ng bagong teleserye.

Madaling naka-move on, tiyak sa abroad muna mamamalagi ang beauty kung saan may gagawing pelikula ang kanyang bagong lover.

Aktor nagbanta na ’di na pipirma ng bagong kontrata sa network kapag tinulungan ng beking lover ang isa pang aktor

Isang leading actor ng network ang humiling sa kanyang lover na influential gay na tigilan ang pagbibigay ng magagandang role sa gustong i-build up na next star ng beki.

Palibhasa higit na mahal niya ang No. 1, pinagbibigyan naman at pawang mga insignificant part ang ginagampanan ngayon ng karibal sa puso ng long-haired bading.

Nagbanta pala ang popular actor na hindi na pipirma ng bagong contract sa network kapag itinuloy ang pag-suporta sa No. 2!

BB bilib na bilib sa taglay na kagandahan, kailangang manalamin

Ibang klase ang pagtutuwid ni BB Gandanghari na siya ay natigbak na sa kanyang sariling Instagram. May kasama pang malakas na tili at sinabing konti na lang ang magaganda sa mundo at gusto pa ng iba na siya ay magbabu na sa eksena.

Boy Abunda, ipahiram kay BB ang iyong magic mirror upang makita niya kung tunay na ang iniilusyong kagandahan. Talk about embryo therapy!

At meron din namang pumapanaw sa sobrang pag-reduce o mga eating disorder, acheng!

Aktor na pinapasikat malayo kay Richard Gutierrez

Ang gaganda ng caption at photo na kasama ang mga kawawang tsikiting. Okay na, naniniwala na kami sa hangaring tumulong at magbigay kasiyahan ng build-up star.

Ano? Siya ang ipapalit kay Richard Gutierrez? Ang layo naman, Tita Laing.

Universal Studios sa Singapore kakalabanin ng bagong bukas na opisinang mala-Star Wars

Meron na namang bagong papasyalan sa Singapore, ang Sandcrawler production facility, inspired by a building in Star Wars by George Lucas. Kabubukas pa lang ng modern office, nagwagi na agad ito ng six architectural awards before it opened last week.

Siyempre kabilang sa mga attraction ng Sandcrawler ay ang Jedi Master Yoda statue at ang Darth Vader image, pati mga kilalang tauhan sa most successful film franchise ni George Lucas.

May kalaban na ang Universal Studios sa Sentosa Island. Ang mga biglang mamamasyal kasi sa Singapore this year, ang bagong Sandcrawler ang gustong makita.

Rica aasikasuhin muna ang anak

Isang healthy baby boy, si Philip Nataniel (Philip Bo), ang ipinanganak ni Rica Peralejo last Friday. Ang mga photo ng panganay ni Rica at ni Pastor Joseph Bonifacio ay nakalagay na sa Internet.

Before Christmas, nakita namin ang mag-asawa habang nagdi-dinner sa isang restaurant sa Eastwood, Quezon City. Nakalipas pa ang New Year, bago nagsilang si Rica.

Siyempre aasikasuhin muna niya ang pag-aalaga sa anak, bago isipin kung siya ay magbabalik pa sa mga teledrama.

April Boy nangakong magsusulat pa rin ng kanta

Final na ang decision ni April Boy Regino na mag-retire sa mga live concert. Kailan lang ay isinugod siya sa ospital dahil nahirapang huminga. Nabalita ang singer/composer na gumaling sa kanyang sakit na prostate cancer.

Panibagong problema sa kanyang kalusugan ang pumalit kaya kailangan niyang iwasan ang pagkanta ng matagal.

‘‘Gagawa pa rin ako ng mga bagong kanta at magre-recording pero hindi na kakanta ng matagal sa mga show,’’ sabi ni April Boy, sa isang TV interview.

vuukle comment

APRIL BOY

BAGONG

GEORGE LUCAS

RICA

RICHARD GUTIERREZ

SANDCRAWLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with