Bangs palaban kay Anne
Mukhang kahit pambata ang Dyesebel ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Anne Curtis ay magiging paseksihan din ang labanan sa ilalim ng dagat dahil hindi lang ang bidang si Anne ang aabangan kundi maging si Bangs Garcia na gaganap na kontrabida niya.
Kilalang palaban si Bangs pagdating sa paseksihan pero in fairness sa aktres, kahit pa-sexy, ay hindi rin pahuhuli sa aktingan. Nagbalita na si Bangs sa kanyang role at nagsasabing handa na siya sa mga challenging na eksena na tiyak na mag-aangat sa kanyang kontrabida role.
Kahit hindi na rin pa-cute si Bangs tulad ni Anne sa mga role nila sa Dyesebel, carry pa rin naman nila ng bonggang-bongga kung talent at class na ganda lang sa ilalim ng dagat ang labanan.
Sharmaine ipinakiusap na tantanan ang kanyang pamangkin na may cyst sa brain
Pakiusap ng aktres na hindi kumukupas ang ganda na si Sharmaine Arnaiz sa mga detractor ni Mo Twister na sana raw ay huwag idamay ang anak nito na si Moira na based na sa US kasama ang mother na si Bunny Paras.
Reklamo kasi ni Sharmaine, nang makausap namin sa GMA 7 Network last week, meron daw kasing iba na kapag tinitira si Mo ay pati pamangkin niya ay dinadamay pa. Wala nga namang kinalaman si Moira sa buhay ng tatay niya na hindi nga raw si Mo ang nagpapaaral dito. Pero last December ay nagkasama raw sina Mo at Moira at nag-bonding ang mag-ama.
Kuwento pa ni Sharmaine onset na raw ang karamdaman ni Moira na tinatawag na Miller Fisher Syndrome, isang klase ng cyst sa brain na nakuha ang virus sa isang simpleng lagnat lang. Pero pambihirang nerve disease ito kasi naapektuhan ang nervous system kaya nagkaroon ng abnormal muscle coordination ang kilos ni Moira. Patumba-tumba pa rin siya sa edad na 15 years old.
Meron na rin daw itong scoliosis pero close monitoring naman ang sakit ng dalagita dahil iniingatan daw na maapektuhan ang heart nito.
Samantala si Sharmaine naman ay busy sa kanyang indie film na Kamandag ni Venus na may premiere night sa Jan. 30 sa SM North EDSA. Gaganap na Medusa ang aktres at mas lalo pa siyang tumapang kahit totoong python snake ang ginamit sa pelikula at inilagay pa sa kanyang balikat. Alaga raw kasi ang ahas kaya imbes na matakot si Sharmaine ay naawa pa siya sa snake dahil naramdaman din niya ang nerbiyos at stress nito.
Ka-join din ni Sharmaine sa Kamandag ni Venus si Rob Sy na gumaganap namang Zuma, Jao Mapa, at Leandro Baldemor. Ang indie movie ay mula sa RJM Production.
- Latest