^

Pang Movies

Julia naengganyo ni Coco na mag-indie

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muli na namang magsasama sina Coco Martin at Julia Montes sa bagong proyekto na Padre de Familia. Bale reunion nila itong dalawa mula sa napaka-successful na Walang Hanggan nila last year. Hindi naman itinatago ng dalawa na naging close sila habang ginagawa nila ang Walang Hanggan pero wala namang ligawang nangyari.

“Honestly kasi hindi ako ‘yung ganoong klaseng artista na kailangan kong ligawan at pormahan ang katrabaho,” sabi ni Coco.

“Gusto ko kasi na kung magkatrabaho tayo ay matapos ‘yung trabaho ito na mataas ang respeto mo sa akin kasi sinuportahan kita na hindi kita pinopormahan o nililigawan.”

Hindi rin naman nahihiya si Coco na natatakot na siyang pumasok muli sa panibang relasyon.

“Alam naman kasi nating lahat na kapag pumasok ka sa isang relasyon, bibihira ’yung natatapos na maganda at ‘yun ang iniiwasan ko,” sambit pa niya.

Pero hindi rin niya inaalis ang posibilidad na manligaw nga siya kay Julia.

“Ang ikinaganda ngayon ay mas lumalalim ang tinginan namin bilang magkaibigan. Siyempre tao lang naman ako, kung makita ko sa kanya talaga ‘yung lola ko, ’yun na ’yon. May ganoon eh. Siyempre lumaki ako sa lola ko,” rason ng aktor.

Siya nga raw ang kumumbinsi kay Julia na subukan ang indie film sa pama­magitan ng Padre de Familia.

“Opo, kasi sabi ko nga, marami kang bagay na matututunan kasi sa TV, okay na po kami roon, kumbaga, magkakasama na kami. Nandoon na ‘yung mundo na ginagalawan namin.

“Sa indie, gusto kong ma-experience nila kung ano ‘yung mga puwedeng matutunan pa nila,” paanyaya pa ni Coco.

vuukle comment

ALAM

COCO MARTIN

JULIA

JULIA MONTES

KASI

MULI

NANDOON

SIYEMPRE

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with