^

Pang Movies

Ngiti sa mukha hindi rin mawala Luis parang teenager na kinikilig sa mga sinabi ni Angel!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mukhang may balikang magaganap sa ex-lovers na sina Luis Manzano at Angel Locsin dahil sa pagi­ging vocal ng dalawa na mahal pa rin nila ang isa’t isa sa kabila ng kanilang paghihiwalay at pagkakaroon ng kanya-kanyang pag-ibig dati. Si Angel ay si Phil Younghusband ang naging dyowa samantalang si Luis ay si Jennylyn Mercado. Pero ngayon nga ay pareho na silang kagagaling lamang sa breakup at loveless.

Nang matanong si Luis kung ano ang kanyang naging reaksyon nang sabihin ni Angel na mahal pa rin siya nito.

“Nabalitaan ko in between taping. Nahawakan ko ’yung phone ko, nabasa ko ang mga kaganapan. It was on my Twitter feed sa ABS-CBN News. Nagulat ako, siyempre nagulat. I’m smiling about it so I guess it’s a very good thing,” sambit nito.

Pag-amin pa ni Luis, para raw siyang teenager na kinikilig nang mabalitaan ang kontrobersiyal na pag-amin ni Angel.

“Mukha nga akong nanonood ng TGIS kanina na kinikilig nung nabasa ko eh. We still have to talk about it. I have no problem, I am smiling about it so maybe later or tomorrow mapag-usapan,” pahayag pa nito.

“Maraming (hindi napag-usapan dati) and siguro this time, right after Christmas nung nag-start ka­ming mag-usap talaga, I think mas maayos ang usapan namin sa mga bagay-bagay, not necessarily sa naging relationship namin but in general. We’ve both mature na rin and ang ganda ng communication line namin ngayon.”

Naniniwala si Luis na destiny na kung sakaling magkaroon ng pangalawang pagkakataon sa kanila ni Angel.

“To quote my cha­racter Mark sa In My Life, love doesn’t vanish into thin air just because you chose to go separate ways with someone,” say pa nito.

Hindi rin naman daw si Angel ang naging dahilan ng breakup nila ni Jennylyn.

“There was no need (to talk). We broke up and nakita namin na hindi naman kailangang mag-usap so, respeto na rin sa mga respective significant others namin,” say pa nito.

Ano naman kaya ang next move na gagawin niya ngayong nalaman niya ang damdamin ni Angel para sa kanya.

“’Yung ligaw kasi mahirap kasi may past na kami. Kumbaga, we are slowly talking again. Sana kung pupunta sa patching things up and maybe rekindling, working things out sa mga nangyari rati.

“Mahal ko naman si Angel, definitely. Parang everything has been rekindled. It’s so hard to put it into words. Pero let the smiles on our faces, well, for her case the tears in her eyes, speak on our behalf,” saad ni Luis.

vuukle comment

ANGEL

ANGEL LOCSIN

IN MY LIFE

JENNYLYN MERCADO

LUIS

LUIS MANZANO

PERO

PHIL YOUNGHUSBAND

SI ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with