Tom atat na uling magka-pink serye
Kadarating lang ni Tom Rodriguez galing ng bakasyon sa Amerika at nakapiling nito ang pamilya. Wala pa siyang project pero gusto na ring gawan ng part two ang My Husband’s Lover.
Masaya ito dahil maraming fans na nagmamahal sa kanya na umaasa na masusundan ang ikalawang bahagi ng pink serye.
Martin feeling nabastos
Masama pala ang loob ni Martin Escudero dahil feeling ng young actor ay nabastos siya sa billing ng Mumbai Love. Nakita ng ilang press ang poster ng Mumbai Love at wala naman silang nakitang dahilan na minaliit ito sa billing.
Katunayan, mas mataas pa ang pangalan niya kay Raymond Bagatsing na beterano na sa pag-arte. Bahagya lang na mas mataas ang pangalan ni Jayson Gainza sa kanya dahil mas malaki naman ang exposure ng karakter na ginampanan nito bilang baklitang nanay-nanayan ni Solenn Heussaff.
Naayos naman ang lahat at naintindihan na niya ito.
Mumbai love malayo sa Kamasutra
Nagtanong ang entertainment press kung may maiinit bang eksena sina Solenn Heussaff at Kiko Matos na mga bida ng Mumbai Love. Kung mala-Kamasutra ba raw ang dating nito.
Ayon sa direktor na si Benito Bautista ay pang-general patronage ang pelikula dahil wholesome ang movie — isang cross-cultural comedy tungkol sa dalawang taong nagmamahalan sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at tradisyon.
Maganda ang mensahe ng Mumbai Love tungkol sa pagkakaibigan ng dalawang bansa — India at Pilipinas — kung saan ipinakita pa ang magagandang tanawin sa India.
Mapapanood din ang kasalan nina Kiko at Solenn sa isang magarbong Indian wedding. Palabas na ang pelikula sa Jan. 22.
- Latest