Pagbubunyi sa pagkapanalo, napalitan ng lungkot Rose hindi puwedeng maging professional singer sa Israel, kontrata nakatali raw sa pagiging caregiver
Nag-celebrate ang mga Pinoy Overseas Filipino Worker (OFW) sa Israel nang tanghaling grand champion si Rose “Osang†Fostanes sa season one ng The X Factor Israel.
Pero mabilis ding napawi ang pagbubunying iyon ng mga Pinoy doon nang malaman nilang hindi puwedeng magamit ni Rose ang kanyang pagiging champion sa naturang bansa dahil nakatali ito sa isang kontrata bilang caregiver. Anim na taon nang nagtatrabaho sa Israel si Rose bilang caregiver.
Nakasaad sa Israeli law, hindi maaaring kumita si Rose sa ibang trabaho maliban sa pagiging isang caregiver. Kaya hindi siya puwedeng maging isang professional singer doon.
Ayon sa spokeswoman for Israel’s Population And Immigration Authority: “She can only work as a caregiver, according to the law.
“Of course she can sing — anyone can do that — but not as a professional.â€
Kumalat sa social media ang congratulatory messages para kay Rose nang ibalita nga sa isang website ang pagkapanalo niya sa The X Factor Israel.
Nagpaabot na ng kanyang mensahe si President Benigno “Noynoy†Aquino III sa pamamagitan ng kanyang spokesman na si Edwin Lacierda para batiin ang 47 years old na si Rose sa kanyang pagkapanalo.
“We know the situation she was in and we are very proud that she has again given the Philippines pride in the showcase of her talent.
“The Filipino has an innate advantage when it comes to the arts… It clearly shows that the excellence of the Filipino can be expressed anywhere, everywhere, when they are given the opportunity to show their talent,†ayon sa tagapagsalita ni P-Noy.
Sa pagkapanalo ni Osang, dasal niya na mabigyang pansin ang kondisyon ng mga nagtatrabahong caregiver sa Israel. Bukod sa hindi kalakihan ang bayad sa kanila, hindi rin maayos ang mga tinitirhan nila.
Sa isang crowded apartment in Tel Aviv nakatira si Rose kasama ang ilang pang mga caregiver na tulad niya.
Not all workers and cleaners from the Philippines are in a position like this: It’s like Cinderella, you know,†say pa ni Rose sa kanyang interview na ini-upload sa YouTube.
Yayo five years nang separada, pero ayaw mag-file ng divorce
Limang taon na palang hiwalay si Yayo Aguila sa kanyang mister na si William Martinez pero wala naman daw siyang balak na mag-file ng divorce. Sa Reno, Nevada sa Amerika sila ikinasal noong 1985.
Ayon pa kay Yayo, wala naman daw siyang balak pang mag-asawa ulit. Tama na raw na si William ang naging mister niya at ayaw niyang magkaroon pa ng ibang ama ang kanilang mga anak.
“Kami naman ni William okay kaming dalawa. We’re still friends and we still communicate with one another.
“Nasabi ko naman sa kanya na wala akong balak na mag-asawa pa ulit. Bakit pa? Tama na ‘yung siya lang ang naging asawa ko.
“I think naman na wala na rin siyang balak na maghanap ng kapalit ko eh. Kaya malaking abala pa ‘yung mag-file kami ng divorce, ‘di ba?,†pahayag ng aktres.
Pero inamin ni Yayo na meron siyang dine-date pero hindi naman seryoso. Ini-enjoy lang niya ang may nakikilala siya na ibang mga tao.
“Kasi naman I got married at the age of 16. Though wala naman akong regrets dahil ‘yung naging samahan namin ni William ay nagkaroon kami ng mababait na mga anak.
“Siguro na-miss out ko lang ‘yung dating with other men kasi noong naÂging kami ni William ang bilis ng lahat ng pangyayari. We got married kaagad.
“Ngayon, okay lang na nakikipag-date ako. For fun lang naman,†pag-amin niya.
Wala sa hitsura ni Yayo na nag-anak ito ng apat na bata. Sexy pa rin ito at mukhang dalaga at age 46.
“I workout, I eat healthy, and I am into sports. I try to be active para hindi tayo tumaba. Lalo na sa work natin sa showbiz, kailangan okay pa rin ang hitsura mo.â€
Kasama ang aktres sa bagong afternoon series ng GMA 7 na The Borrowed Wife. Gaganap siyang ina ni Rafael Rosell.
- Latest