Radio show lahat mali ang ibinabalita
Isang istupidang alalay sa radio show and paulit-ulit na sinasabi na ang Pinay caregiver na nagwagi sa The X Factor Israel ay si Rose Fontañes. Tita Pekedora, Rose Fostanes ang tamang pangalan.
Nagtataka ang mga listener kung bakit kinukunÂsinti ang aleli sa show na palaging mali ang mga detalye ng ibinabalita. Minsan sinabi niya sa April ang simula ng revival show ng Miss Saigon sa London, England. Bobita, sa May 3 ang opening ng 25th anniversary revival sa West End.
Ayon sa kanya, tatlo ang producers ng My Little Bossings at hindi niya binanggit si Tony Tuviera ng APT Productions at siya ring producer ng Eat Bulaga. Bakit pumapayag ang mga kasama niya sa show na laging mag-report ng maling balita ang nagmamarunong na alalay? Baka sabihin ng mga tao, pati kayo mga tangang tulad ng pekedora!
X Factor grand champ pinanalo ng LGBT
Si Rose Fostanes na naging grand winner ng first X Factor Israel, 47 years old na. Nagsimula siyang maging OFW (Overseas Filipino Worker) noong 23 years old pa lang siya. Nakapagtrabaho siya sa Egypt at Lebanon at anim na taon na siya sa Israel nang magwagi sa X Factor.
Nakatira siya sa isang iskinitang apartment with seven other OFWs, sa poor district ng Tel Aviv upang makapagpadala ng pera sa kanyang mga kamag-anak sa ating bansa.
Tiyak na magiging mainstay sa isang regular show sa Today TV ng Israel si Rose at magiging professional performer siya. Gaganda na ang kanyang buhay at puwedeng lumipat na sa isang comfortable place.
Nabanggit sa mga TV report na naging solid ang LGBT (lalaki, girl, bakla, tomboy) crowd sa pagsuporta at pagpapadala ng text votes for Rose. Hindi niya ikinakaila ang pagiging tiboli at proud pa siyang sabihin ang kanyang girl. Kasama rin ang recording contract sa kanyang mga prize kaya’t magkakaroon si Rose ng sariling CD, na puwedeng i-release sa Pilipinas at ibang bansa.
P82.7M na hinahabol ng FAP sa ibang grupo itinuturo ni MMDA chairman
Humiling sa korte ang Film Academy of the Philippines na ibalik sa beneficiaries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2001 hanggang 2010.
Agad namang sinagot ni MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) Chairman Francis Tolentino na ibang grupo pa ang may hawak ng MMFF noong mga taong nabanggit.
Ang halagang P82.7 million na amusement taxes ang hinahabol, na dapat mapunta sa Film Academy, MOWELFUND, at iba pang beneficiaries.
Ang tagal na panahon na at saan pa hahagilapin ang malaking halaga? Magturu-turuan na lang ang mangyayari, hanggang hindi na mailabas ang pera.
Sound system ng CCP inayawan ng Bee Gees pero int’l stage plays tuloy pa rin
Noong first and last live concert ng Bee Gees sa bansa, na ginanap sa Cultural Center of the Philippines (CCP), ayaw pumayag ng magkakapatid na magtanghal doon. Say nila, technically outmoded ang mga equipment sa venue.
Kaya lang sila nagtanghal ay nang lagyan ng re-enforcement ang sound system at umarkila ng mga modernong kasangkapan.
Sa pagtatanghal ng mga international show tulad ng Phantom of the Opera at Wicked sa CCP, technically efficient na kaya ang kanilang facilities? Baka naman ang nagtiya-tiyaga na lang ang foreign producers, actors, at technical staff?
Sexy starlet na laging bangag naglalako na lang ng mga sexy
Ang sexy starlet na dating maraming trabaho, balik sa pagiging mamasan dahil ayaw na siyang kunin sa show. Madalas kasi bangag sa bawal na gamot kaya hindi makapag-dialogue ng diretso kung may taping ang aktres.
Ngayon nag-aalaga siya ng sexy ladies for sale at malakas ang kanyang kita sa paglalako ng laman. Lately, nabalitaan namin na may mga alaga na rin siyang mga pogi para sa mga mayayamang bakles.
GMA tanggap nang inferior sa kalaban
Imposible ang nabalitang ayaw nang tapatan ng GMA 7 ang ABS-CBN. Obvious nga na ang Legal Wife sa Dos, meron ng kalaban sa Siyete, ang The Borrowed Wife. Kung star value ang contest, wala namang binatbat ang show ng GMA. Palaban nga lang sila pero tiyak na magiging inferior ang kanilang show.
- Latest