^

Pang Movies

Tibong pinay caregiver, grand winner ng X Factor Israel

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Aminadong tibo or tomboy ang Pinay caregiver na nanalo sa The X Factor Israel na si Rose Fostanes.

Sa isang interview sa kanya ng Associated Press, inamin ni Rose na meron siyang girlfriend sa Pilipinas.

Dagdag pa ng 47-year old lesbian caregiver na ang kanyang mga inaalagaan sa Tel Aviv ay mga miyembro ng LGBT community roon.

Sa isang Facebook fan page na That’s My Tomboy of Israel ay nakalagay doon kung paano bumoto para kay Rose sa The X Factor Israel. May higit na 16,000 likes na ang FB fan page na ito. At nagbunga naman ang lahat dahil tinanghal nga siyang winner sa X Factor Israel.

Ang tawag kay Rose ngayon ay “the newest star of Israeli reality television” dahil kahit saan daw ito magpunta ay pinagkakaguluhan siya ng kanyang mga fans.

May higit na 40,000 Filipinos na nakatira sa Israel.

Last week ay nakapasok sa Top 4 si Rose. Siya ang huling contestant para sa over-25 group. Nakalaban niya sina Eden Ben Zaken (girls category); Uri Shakiv (boys category) at Fushion (group category).

Hindi  makapaniwala si Rose na nangyayari sa kanya ang lahat ng ito.

“Sometimes I am telling myself, ‘Is it true that it happened to me?’ At least I can express and show the people that I have also talents and it’s not too late for me to shine,” sey pa niya.

Maikukumpara ang mala-Cinderella story ni Rose sa nangyari sa Scottish housewife-turned-singer na si Susan Boyle nang maging finalists ito sa Britain’s Got Talent noong 2009.

Naiba ang buhay ni Boyle mula sa pagiging simpleng maybahay ay naging singing sensation siya sa United Kingdom.

May 42 different versions na sa buong mundo ang The X-Factor na nagsimula noong 2004 sa UK.

Alden sunud-sunod ang biyaya

Nag-share ng kanyang blessings ang Kapuso leading man na si Alden Richards sa mga bata ng Holy Trinity Home for Children sa Quezon City.

Nag-turn 21-years old na si Alden at taun-taon daw ay may ginawa na siyang charity work bilang tulong na rin niya sa maraming bata na sumusuporta sa kanya.

Nagpakain si Alden sa mga bata at nagkaroon ng program ang mga bata para naman sa kanya.

Masayang-masaya si Alden sa kanyang birthday dahil maganda ang mga pumapasok na projects para sa kanya ngayong 2014.

Una na rito ay ang primetime series nila ni Marian Rivera na Carmela na malapit nang ipalabas.

“Magte-taping na po ako pero hindi pa yata kasama si Ate Marian.

“Nauna na silang nag-taping ng ilang mga episodes. Hindi pa naman makukunan ‘yung pagta­tagpo namin.

“But I am excited dahil malaking project ito na pinagkatiwala sa aming dalawa and I am very flattered to be paired with the Primetime Queen of GMA-7.

“Since nagkatrabaho kami ni  Ate Yan sa My Beloved, siyempre naging dream leading lady ko siya balang-araw. Hindi ko akalain na darating na ‘yan kaagad,” ngiti pa ni Alden.

May mga bagong endorsements nga si Alden na lalabas sa taong ito kaya very blessed siya at may rason para mag-celebrate kasama ang mga bata.

Anak ni Whitney Houston nagpakasal na sa ‘kapatid’

Nagpakasal na ang anak ng yumaong si Whitney Houston na si Bobbi Kristina Brown sa adopted brother nito na si Nick Gordon.

Inampon ni Houston si Gordon noong 12-years old pa lang ito.

Ayon kay Bobbi Kristina ay may blessing naman daw ng kanyang lola na si Cissy Houston ang pagpapakasal nila ng kanyang adopted brother.

In-announce nila Nick and Bobbi ang kanilang engagement noong October 2012 sa short-lived reality series na The Houstons: On Our Own.

Marami ang natuwa pero marami rin ang nagpaabot ng kanilang disapproval sa relasyon ng dalawa.

Nakaplano na ang isang malaking wedding ng dalawa sa 2015. Kasalukuyang nasa Fiji ang dalawa para sa kanilang honeymoon.

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ASSOCIATED PRESS

ATE MARIAN

ATE YAN

BOBBI KRISTINA

WHITNEY HOUSTON

X FACTOR ISRAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with