^

Pang Movies

Kaya raw pinagpapala ng Diyos ‘siguro mabait ako’

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang kabuuan ng exclusive interview ni Boy Abunda kay Kris Aquino na unang inere sa Buzz ng Bayan last Sunday ay napanood sa Kris TV noong Lunes at Martes.

’Kaaliw ’yung part na tinanong ni Kuya Boy si Kris kung hindi ba nito nami-miss ang magkaroon ng “honey” na sasabihang “I’m coming home.”

 â€œActually, hindi talaga kasi, honest, Boy, again dahil sa mom ko na sinabi niya na hindi talaga ibibigay lahat sa ’yo. Sa lahat ng simbahan, noong nagdasal ako, sinabi ko, ‘God, basta happy na ang boys ko, happy sila, kahit walang partner, okay na ako. But please don’t make me feel lonely lang.

“’Yung parang kung ano man ang fulfillment and joy na nararamdaman ko with them, sana ipagpatuloy Mo ito. Pero kung darating ’yung point na lonely ako, Ikaw na ang bahala.’”

At ang pamatay na hirit ni Kris, kaya raw siya siguro blessed ay dahil wala siyang sex, sabay tawa.

“Ngayon ko na-realize pala talaga na it’s possible na ‘yung kaligayahan mo it doesn’t come pala from fulfillment sa sarili but it comes from seeing people loving your child. Sinabi ko nga, nagdarasal ako, ‘God, ano ba ang nagawa kong bongga para ibigay mo ito kay Bimb?’ Kasi hindi ba nasa Biblia ‘yon na kung ano ang itanim mo bilang magulang ‘yon ang aanihin ng anak? So, sabi ko, ‘Thank you God,” say pa ni Kris.

“Kasi siguro mabait ako, kasi siguro celibate ako, sorry I have to say, let’s be honest. I’m just saying na siguro parang alam ko kung ano ang priorities in life ko and siguro talaga kung ano ang pinakamahalaga sa iyo, ‘yun ang ipagkakaloob sa iyo ng Diyos at ang pinakamahalaga sa akin ay ‘yung dalawang anak ko.”

Gov. ER inilalaban ang pagtanggal sa mmda ng MMFF

Wala nang balak pa si Laguna Gov. ER Ejercito na kuwestiyunin pa ang desisyon ng jurors ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pagbibigay ng award. Say niya, halos lahat naman daw kasi ng miyembro ay hindi taga-pelikula. Ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang humahawak sa MMFF.

 â€œKaya nga namin ipinaglalaban na malipat ang MMFF sa mga taga-pelikula tulad noong panahon ni Joseph Estrada noong 1970s. Dapat talagang mga taga-pelikula ang mag-handle ng MMFF at ’yung jurors, dapat ay nakakaintindi kung ano ang magandang pelikula,” say ni Gov. ER sa presscon ng Palarong Pambansa project niya for Laguna.

Dagdag niya, sa walong entries ng MMFF ay dalawa lang silang Graded A ng Cinema Evalua­tion Board – Shoot to Kill: Boy Golden and 10,000 Hours.

 â€œKaya imposible ’yung mga resultang naganap,” he said.

As we all know, sa nakaraang MMFF Awards Night ay walang nakuhang award ang Boy Golden kundi best float.

Pero wala na raw tayong magagawa dahil tapos na ang awards night at marami pa naman daw cre­dible award-giving bodies.

Mas focused ang atensiyon ngayon ng actor-politician sa Palarong Pambansa na gaganapin sa kanyang bayan sa Laguna.

Pirmahan pa lang ng kontrata ni Laguna Gov. ER at ng DepEd (Department of Education) ay bongga na. Pinalibutan sila ng TV reporters at print media (showbiz at sports). Nanalo ang Laguna sa bidding para 2014 Palarong Pambansa.

Ang Laguna ay magiging official host ng annual multi-sport event ng mga Filipino student-athlete mula sa 17 regions ng bansa.

Inaasahan pa ng DepEd na may mga pasabog si Gov. ER sa opening at closing ng Palarong Pambansa.

Sabi ni Gov. ER, kinakausap niya na dumalo sa opening sina James Yap, Manny Pacquiao, at Teng Brothers (Jeric and Jeron).

vuukle comment

ANG LAGUNA

ANG METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

AWARDS NIGHT

BOY ABUNDA

BOY GOLDEN

CINEMA EVALUA

DEPARTMENT OF EDUCATION

LAGUNA GOV

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with