Pag-aaral ni KC pinagmamalisyahan
Say ng mga close kay KC Concepcion, pinipilit na bigyan ng ibang kulay ng mga detractor ng actress ang pasya niyang mag-aral muna sa abroad sa first quarter of 2014.
It is just a step to improve herself and make her career better. Sana huwag namang lagyan ng malisÂya ng ibang tao. Ang expectation pa nila, maraming paÂsasabugin si KC pagbalik mula sa ibang bansa. Ewan lang sa inyo. Never na naging agenda ng daughter ni Sharon Cuneta ang maging nega-star.
Rhian pinag-initan ang buhok
Karaniwang paniwala na kapag nagpagupit, nagpalit ng kulay, o nag-iba ng istilo ng hairdo ang isang babae, may pagbabago sa kanyang buhay-pag-ibig.
Agad tinuturong dahilan sa pagpapakulay ng buhok ni Rhian Ramos ang breakup nila ni KC Montero. Pinipilit ng aktres na walang kinalaman ang VJ-TV host sa bagong hairdo niya. Hindi gaÂanong matiyak sa TV kung ito ay duo-tone or three-shade coloring.
Ang sabi ng aktres, feel lang niya ang mag-iba ng kulay ng buhok which gave her a fresh and independent feeling.
Kung sakali namang may susulpot na bagong boyfriend sa eksena si Rhian Ramos, siya na nga ang dahilan ng pagbabago at hindi si KC Montero.
Young actor dala-dalawang bading ang pagpipilian na iuuwi sa engrandeng bahay
Lilipat na sa kanyang newly built dream house ang young actor. Hindi pa man malaki ang tinatanggap na talent fee, can afford na siyang magpatayo ng bagong bahay at bumili ng magarang kotse.
In cold cash lahat ang ginasta niya. Hindi sa financing o hulugan! Maraming salamat sa kanyang rich gay benefactor.
Dati ang sikat na expression, “Salamat po, doctor,†para sa mga artistang nagpaparetoke. Ngayon ang uso, “Thank you very much, love,†para sa mga mayayamang donyang beki na very generous sa kanilang mga young lovers!
Ang inaabangan ng showbiz insiders paglipat ng artista sa new house ay kung sino ang unang matutulog doon – ang rich bading na sponsor sa pagpapagawa ng casa grande o ang isang macho actor na ang siyete ay lover din ng young actor?
Tom inaabangan kung kakainin ang sinabing pag-ayaw sa pagbabakla
Nagpahayag noon si Tom Rodriguez na iiwasan niya muna ang mga gay role. Ayaw niyang ma-typecast sa papel ng baklesh.
Kung malaki naman ang talent fee at wala naman siyang ibang offer, madaÂling kainin at lunukin ang nabitiwang salita. He will surely grab the opportunity upang ulitin ang papel na naglabas sa kanya mula sa kawalan.
Kapag tumanggi siya at ibinigay ito sa katulad niyang virtual unknown before My Husband’s Lover ay baka bumalik siya sa bit parts!
Meryl Soriano sa photography nahuhumaling
Photography ang kinahihiligan ni Meryl Soriano.
Sa yaman ng kanyang tatay na si Willie Revillame, kahit ang pinakamahal at state-of-the-art camera ay puwedeng bilhin ng aktres. Maaari rin siyang magtayo ng sarili niyang professional photo studio at kumuha ng mga assistant na expert lensman.
Madali siyang matuto nang wastong pagkuha ng litrato kapag expert photographer and katrabaho niya. Very soon makikita natin na nasa cover ng mga sophisticated, glossy magazine ang mga kuha ni Meryl.
Puwede rin naman siyang formal na kumuha ng short courses tungkol sa photography kahit sa ibang bansa pa. Can afford siyang gawin ito, anytime kung susuportahan siya ng kanyang tatay.
Kasama ni Miss Tourism Int’l winner naengganyong tumulong
Noong magwaging Miss Tourism International sa Malaysia last New Year’s Day si Angeli Gomez, ang isang labis niyang ikinatuwa ay ang willingness ng lahat ng beauty contestants na tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa bansa.
Tiyak na gagamitin pa niya ang kanyang beauty crown upang maghatid ng patuloy na tulong sa Kabisayaan kung saan nanggaling ang magandang Cebuana.
- Latest