Wally tanggap magbalik pero hinihintay pa ang approval ng management
Ready naman pala muli ang game show na Celebrity Bluff na tanggapin si Wally Bayola kung babalik siya, where he is one of the residents na “GangNam†with Jose Manalo and Brod Pete.
Natanong kasi namin si Ms. Marivin Arayata who’s in charge sa mga game show, kung hindi na niya pababalikin si Wally sa show. Sagot niya, bakit hindi? Pero kailangan daw na may approval muna ito ng TAPE, Inc., ang may hawak kay Wally.
Naghihinayang nga raw sila dahil isa ito sa mga nagpapasaya lalo sa Celebrity Bluff na umabot na ng one year at nasa season 5 na sila ngayon.
Kylie sinita ni Aljur sa paghalik ni Geoff
Hindi na pala problema kay Kylie Padilla ang makipag-kissing scene siya. Kuwento niya nang bumisita kami sa set nila ng Adarna, in fact daw, nagkaroon na siya ng kissing scene noon kay Rocco Nacino sa The Good Daughter kaya lamang nang mapanood daw ng papa niya (Robin), hindi ito pumayag na maipalabas iyon. Pero ang kissing scene nila ni Geoff Eigenmann sa Adarna, wala na raw sinabi ang ama. Dagdag pa niyang kuwento, nakakadalawa na silang kissing scene ni Geoff at iyong una, siya pa ang naunang humalik kay Migo (Geoff) kasi mahal na mahal niya ito sa story. At alam daw niya, magkakaroon pa ng kissing scenes lalo ngayon na malalaman na ni Migo na si Ada (Kylie) at Angel ay iisa. Makikita raw kasi ni Migo na iisa ang sugat at pasa nina Ada at Angel.
Thankful siya sa boyfriend na si Aljur Abrenica na ipinagpaalam niya ang said kissing scenes na pinanood daw nito nang ipalabas, kaya nag-comment na bakit daw ang hina ng sampal niya kay Migo (Geoff Eigenmann) nang halikan siya nito? Pero ang role raw niya as superhero sa story ay fulfillment na ng dream niyang makaganap ng ganoong role. Hindi rin siya nagrereklamo kung lagi siyang naka-harness dahil masaya siyang lumipad, umabot na siya ng 20 feet sa air.
Biniro namin si Kylie na wala na palang problema kung magtatambal sila ni Aljur at may kissing scene. Mas magiging comfortable raw siya kung si Aljur na ang katambal niya, natatawa niyang sagot.
May pakiusap si Kylie na sana raw ay panoorin ng mga tao ang movie nilang Sa Ngalan ng Ama, Ina, at Mga Anak na tampok ang Padilla clan at kasama nila si Aljur. Sila raw ang producer nito pero iri-release ng Star Cinema simula sa Jan. 29.
Birit ni Regine kasama ang TomDen tinilian
Hindi kami magtataka kung igi-guest nina Martin Nievera at Regine Velasquez sa Valentine concert nilang Voice of Love sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Nagkaroon kasi ng number sina Regine, Dennis, at Tom kahapon sa Sunday All Stars at ang lakas ng tilian ng fans. Na-miss siguro nila ang tatlong mahuhusay na performers.
Si Regine ay kapag may special promo lamang napapanood sa show, at sina Dennis at Tom naman ay matagal ding nagpahinga after ng kanilang My Husband’s Lover dahil nagkaroon sila ng series of shows sa USA last November to December. Kahapon din nag-resume ng mall show ang TomDen to promote their first album from GMA Records.
- Latest