^

Pang Movies

Anne at Louise bawal magtanggal ng bra

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi puwedeng mag-topless sa Dyesebel si Anne Curtis at si Louise delos Reyes sa Kambal Sirena.

Ipinagbabawal ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga topless scene sa TV, lalo na sa mga primetime show. Hindi mangangahas ang ABS-CBN at GMA 7 na alisan ng bra ang kanilang mga sirena dahil pambata ang mga show nila. Matsutsugi sa TV ang kanilang mga show kapag nag-topless ang mga sirena.

Pinagtataasan tuloy ng kilay, aktor na hindi kalakihan ang tf, fully paid na ang kotseng milyones ang halaga

Nabayaran na ng aktor ang kanyang kotse na milyones ang halaga. Nakaarko ang kilay ng mga baklita na wondering. Saan ba raw nakakuha ng pambayad ang aktor na hindi raw kalakihan ang talent fee?

Malay naman ng mga baklita kung maraming out-of- town shows ang aktor na favorite nila na intrigahin. Malaki ang kinikita ng mga artista sa mga out-of-town show, mas bigger kesa sa mga talent fee nila sa mga teleserye. At, in fairness sa mga magulang ng aktor, marunong silang humawak ng pera. Masinop sila at hindi bulagsak kaya naiipon nila ang pera na pinagpaguran ng kanilang anak.

Yasmien ipinasyal ng asawang piloto sakay ng private plane

Ang sosyal ng mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, Jr. dahil sumakay sila sa isang private plane at inikot ang isang probinsiya.

Bilib ako sa lakas ng loob ni Yasmien na confident na sumakay sa eroplano dahil ang kanyang mister ang piloto.

Nakakamangha ang mga tao na marunong magpalipad ng eroplano. Sa mga artista, sina Ian Veneracion at Isabel Granada ang alam ko na nag-aral para maging mga piloto. Hindi lang ako sure kung nagawa na nila na magpalipad ng eroplano, tulad ng asawa ni Yasmien.

Bong nakipag-meeting sa ABS-CBN

Nagkuwento si Mama Aster Amoyo sa thanksgiving lunch ni Sen. Bong Revilla, Jr. Hindi raw siya nag-walkout sa presscon ng Bride for Rent gaya nang akala ng ibang mga reporter pero na-hurt siya sa sagot sa kanya ni Kim Chiu.

Hindi ko na masyadong pinakinggan ang mga kuwento ni Mama Aster dahil nabasa ko na sa mga diyaryo at narinig sa radyo ang mga nangyari.

Mas concern ako sa pagdating ni Bong na na-late dahil nanggaling pa siya sa meeting niya sa ABS-CBN.

Nang dumating si Bong, nag-sorry agad ito sa mga tao na naghintay sa kanya.

Nasulit ang paghihintay ng entertainment press dahil sinagot ni Bong ang lahat ng mga question. Hindi rin naman nainip ang mga reporter dahil naunang dumating si Rep. Lani Mercado na hindi masyadong kumain dahil nasa fasting mode siya. Saging at tubig lang ang laman ng tiyan ni Lani kapag nagpa-fasting ito.

Mag-asawang Perci at Jun abalang-abala

Hindi pa natutuloy ang promise ko na dinner sa mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana dahil hindi magsalubong ang aming mga schedule.

Busy na si Perci sa kanyang bagong career, siya ang direktor ng indie movie na may pamagat na Dementia at starring si Nora Aunor.

Malamang na matuloy ang dinner o lunch namin nina Jun at Perci kapag natapos na ang shooting ng Dementia.

Newsmaker ang dalawa noong 2013 dahil sa kanilang same-sex marriage sa New York, USA. Marami ang nagulat dahil hindi nila alam na matagal na ang relasyon nina Perci at Jun.

Hindi nag-iisa sina Jun at Perci dahil nagpakasal din si Robin Tomas sa American boyfriend nito. Si Robin ang one and only son ni Tessie Tomas. Interesting na mainterbyu si Tessie tungkol sa same-sex marriage ng kanyang anak na gumagawa ng ingay sa fashion industry ng New York.

ANNE CURTIS

BONG REVILLA

DAHIL

NEW YORK

PERCI

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with