Solenn nawala ang kasosyalan sa India
Nagkakuwentuhan kami ni Direk Benito Bautista ng Mumbai Love at sinabi nito na mapili rin siya sa paggawa ng proyekto kung saan inaalam niya muna kung ano ang konsepto.
Gusto niyang maramdaman ng manonood ang pulso ng pelikula. Bago nito tinanggap ang Mumbai Love ay inalam niya muna sa prodyuser na si Neil Jesswani kung paano mabubuo ang konsepto tungkol sa cross cultural romantic comedy na magpapamalas din sa kultura ng India.
Nang magsyuting sila sa India ay mga tagaroon din ang kinuha niyang production staff bukod sa mga Pinoy.
Sa kabilang banda tinanong ko kung sino sa mga naidirek niyang mga kabataang artista ang may ibubuga sa akting.
‘‘Magaling si Martin Escudero na kasama rin sa Mumbai Love. Siya ang best friend ni Solenn Heussaff na lihim na umiibig sa kaibigan. May conflict sa kanila sa pagtatapos ng pelikula. May lalim ang akting ni Martin at malalaman mo na interesado siya sa karakter na ginagampanan dahil nagtatanong siya sa akin bago gumiling ang kamera. Hindi lang siya sumusunod sa instruction ko kung hindi lagi pang nagtatanong kung tama ba ang atakeng ginawa niya sa kanyang karakter,†sabi ni Direk.
Ano naman ang masasabi ni Martin kay Solenn?
Ayon sa aktor nag-iba ang pagtingin niya rito nang magkasama sila sa India. Hindi pala ito sobrang sosyal kundi mabait at professional.
- Latest