^

Pang Movies

Cristine pinagmukhang kawawa sina Karylle at Nikki!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hanep ang ginawang pampainit ni Cristine Reyes sa sinamahang production number sa ASAP 19 kahapon, huh! Tinaob niya ang seksing giling nina Nikki Gil at Karylle sa maharot na paglalandi ng una sa kamera!

Sa una ay emote-emote lang ang projection ni Cristine. Pero nang sayawin na ang nausong sayaw last year na pinagsabay ang kinikiliti at sinisilihang puwet, nagmukhang kawawa sina Nikki at Karylle, huh!

Sa mga lalaking kasama sa production number, huwag na nating pansinin ang galing ni Bugoy Ca­riño. Pero kina Rayver Cruz, Gerald Anderson, at Jericho Rosales, hindi pa rin kumukupas ang galing nina Rayver at Echo sa pag-indak! Pero si Gerald, mukhang tinamad sa dance steps na ginawa dahil wala siyang gana kung tingnan!

Kaya ngayong 2014, hinding-hindi pa rin mawawala si Cristine sa listahan ng mga kaaakit-akit at katakam-takam na artistang babae sa ngayong hene­rasyon!

Atty. Joji magdi-distribute ng foreign films para makapag-ipon sa ipo-produce na indie films

 Nag-iipon na ng pera si Atty. Joji Alonso upang suportahan ang mga indie film na masasama sa finalists ng Cinemalaya Independent Film Festival sa July. Last year, maraming humingi ng tulong sa lawyer-producer na hindi niya natanggihan dahil sa magagandang istorya nito.

So, bilang paghahanda ng pantustos sa ibang makukuhang finalists, inihayag ni Atty. Joji ang pagbuo ng kumpanya niyang Quantum Acquisition & Distribution (QUAD). Namili na siya ng ilang foreign films na kanyang idi-distribute this year.

Ang unang movie na distributed ng QUAD ni Atty. Joji ay ang Love Punch na pinagbibidahan nina Emma Thompson at Pierce Brosnan. Sa Black Saturday, April 19, ang showing nito. May lima pang foreign films na idi-distribute ang producer.

Neil Arce plantsado na ang gagawin sa MMFF 2014

Inaasam pa rin ng 10,000 Hours producer na si Neil Arce na pupuwesto sa ika-apat ang unang sabak nila sa festival. Mala­king tulong kasi ang 14 awards na nakuha ng movie ni Robin Padilla upang madagdagan ang sinehang pinagtatanghalan nito.

Pero kahit hindi maka-break even ng puhunan, todong ligaya na rin ang napasakanila dahil sa malalaking awards na naiuwi lalo na ang dalawang special awards na mahahambing na rin sa best picture.

Tuloy pa rin si Neil sa paggawa ng pelikula. Plantsado na ang isang indie film na gagawin ng kumpanya. Hindi niya itinatanggi na sasali uli siya sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) at may isa silang project na gagawin.

“Malaking honor na ‘yung napiling entry ang 10,000 Hours. Pinasok ko ito at binigyan kami ng honors. So, walang dahilan upang magreklamo ako!” katuwiran ni Neil.

 

BUGOY CA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CRISTINE

CRISTINE REYES

EMMA THOMPSON

GERALD ANDERSON

JOJI

NEIL ARCE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with