^

Pang Movies

Mahusay na aktres lalatagan na ng magandang trabaho ng major TV network

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mukhang maraming magagandang mangyayari this year sa showbiz. 

Isang mahusay na aktres ang balitang finally ay aapir na sa isang major TV network. 

Makikipag-meeting na ang manager niya sa mga executive para alamin kung ano ang magi­ging role ng actress at kung magugustuhan niya ay tuluy-tuloy na ito at hindi kami magtataka kung ang makakasama niya ay ang favorite actor na hina-ngaan niya sa katatapos na soap na ginawa. 

Kapag natuloy ito, tiyak na labanan ang acting nila.                           

John Lloyd nakakompromiso na kay Marian

Balita rin na pinagpahinga lamang si Coco Martin ng ilang buwan pero may nakahanda na siyang bagong teleserye sa ABS-CBN. 

At totoo kayang balak ng Star Cinema na pagtambalin naman nila this year sina Sarah Geronimo at Coco? 

Wala na kaya talagang balak ang Star Cinema na pagtambalin for the fourth time sina John Lloyd Cruz at Sarah? 

Balita kasing may gagawing movie si JLC sa ibang production company at sa kanila na kaya matupad ang first time na pagtatambal nila ni Marian Rivera?

Elmo tinamaan ng todo, payakap-yakap kay Janine

Totoo yatang na-in love na sa isa’t isa ang mga bida ng Villa Quintana na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. 

Sa Sunday All Stars kahapon, madalas mahuli ng camera in a lovey-dovey pose ang dalawa kapag hindi sila nagho-host. 

This time rin lamang namin nakitang naging outspoken si Elmo na may payakap-yakap pa kay Janine kasi raw nai-stress ang young actress. 

Kapag nakausap namin si Direk Gina (Alajar) ay itatanong namin kung nagkakamabutihan na off-camera ang kanyang mga bida na sa story ay so much in love na rin with each other kahit tutol ang kani-kanilang pamilya.

Alden natanggap na ang best birthday gift

Kahapon din sa Sunday All Stars ipinakilala na ang mga bagong drama series na magsisimula nang mapanood ngayong January. Ipinakilala na rin ang mga bagong artista ng GMA Network at GMA Artist Center. 

Isa sa mga bagong ipinakilala ay si Rafa Siguion-Reyna, anak nina Direk Carlitos Siguion-Reyna at scriptwriter Bibeth Orteza. Mahusay na stage actor/singer si Rafa na ang huling ginawa ay ang musicale na Grease.

Thankful naman ang birthday ce­lebrator kahapon sa show na si Alden Richards sa best birthday gift na natanggap niya, ang pagkatupad ng wish niya na makatambal si Marian Rivera na nagkataong guest judge with Janno Gibbs at Jaya, sa four na naglalaban-laban teams ng show. 

At tiyak na naging hamon kay Alden ang sinabi ni Marian na nakita na niya kung gaano siya kaseryoso sa pagta­trabaho nila sa Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo) at hindi raw siya nagsisi na si Alden ang pinili niyang maging leading man.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

ARTIST CENTER

BIBETH ORTEZA

COCO MARTIN

DIREK CARLITOS SIGUION-REYNA

MARIAN RIVERA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with