^

Pang Movies

Pahinga lang sa radyo dahil mag-aaral Korina tuloy ang career sa Kapamilya

- Vinia Vivar - Pang-masa

Yes, officially Kapamilya pa rin si Korina Sanchez dahil nag-renew na siya sa ABS-CBN. Patuloy na mapapanood si Ate Koring ng lahat ng mga Kapamilya sa kanyang top-rating Sunday magazine show na Rated K at gabi-gabi bilang isa sa mga anchor ng equally top-rating na TV Patrol.

Ito ay ayon sa ipina­dalang statement sa amin ng kanyang publicist na si Chuck Gomez.

Ayon pa sa e-mail na ipinadala ni Chuck, nagpahinga lang si Korina noong nakaraang Pasko pagkatapos libutin ang halos lahat na yata ng probinsiya ng sinalanta ng Yolanda sa Eastern at Western Visayas para tumulong at gumawa ng mga istorya para sa kanyang mga programa. Ngayon ay handa na siyang sumabak ulit sa trabaho.

Nagbakasyon man ng panandalian si Korina sa live airing ng TV Patrol noong nakaraang holiday season, pinag-usapan naman at patok ang kanyang mga special report sa TV Patrol gaya ng Kuwento sa Likod ng Balita, ang Tolda na tumatalakay sa sinapit ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan, at ang kanyang espesyal na ulat tungkol sa nakaraang digmaan sa Zamboanga.

Tuloy pa rin si Koring sa kanyang Isang Milyong Tsinelas campaign sa pakikipag-tulungan sa ABS-CBN Foundation ngayong 2014. Naging matagumpay ang Handong Tsinelas ni Koring para sa lahat ng mga kabataan sa Luzon, Visayas, at Mindanao nuong nakaraang taon at nais niyang lagpasan ang na-achieve ng kanyang advocacy ngayong 2014.

Masaya rin daw ang broadcast/journalist sa kanyang pagbabalik-eskuwela. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang masters degree sa Ateneo de Manila University.

Ayon kay Koring matagal nang nasa “bucket list” niya ang kanyang post-graduate studies at sa wakas ay nahanapan na niya ito ng panahon.

Noong June 2013 ay humingi ng permiso si Ko­ring sa pamunuan ng ABS-CBN na mag-leave muna siya mula sa kanyang top-rating radio program sa DZMM sa umaga, ang Rated Korina, ng isang semester.

Muntik palang ibagsak ng mga professor si Korina dahil sa absence at late submissions ng mga requirement.

Iiwan ni Korina pansamantala ang kanyang radio program na nasa No. 1 na posisyon sa ratings. Pero naniniwala naman siya na kayang-kaya nina Amy Perez at Marc Logan ang pumalit sa kanyang timeslot. Ang hiling lang niya ay i-plug pa rin ang kanyang Tsinelas Campaign.

Naging maganda ang tapos ng 2013 kay Koring dahil humakot siya ng kaliwa’t kanang awards. Ilan dito ay ang Anak TV Award para sa Rated K na napili bilang isa sa pinaka-child friendly na palatuntunan sa telebisyon. Pinarangalan din si Koring sa ikatlong Makatao Awards sa Media Excellence ng People Management Association of the Philippines (PMAP). Pinarangalan si Koring ng prestihiyosong awards ng PMAP bilang Female Newscaster of The Year habang Best TV Newscast naman ang TV Patrol na co-anchor si Koring kasama nina Noli de Castro at Ted Failon.

Kahit maraming pinagdaanan sa nakaraang taon tulad ng trahedya sa bagyo, naudlot na pag-aaral, mga sakit ng kamag-anak, mga bayarin, ay masaya pa rin ang broadcaster.

“Maliban doon puro pagpapasalamat na. I can’t ask for anything more. Sobra ang blessings ko na sana ituloy lang ng Panginoon ngayong taon,” pahayag pa ni Ate Koring.

 

vuukle comment

AMY PEREZ

ATE KORING

AYON

CHUCK GOMEZ

KANYANG

KORINA

KORING

RATED K

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with