^

Pang Movies

Mga juror sa MMFF hindi basta-basta, pinagbibintangang hindi marurunong ng mga kritiko!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakalungkot naman ang mga negative review ng mga film critic daw sa mga pelikulang para sa kanila ay basura, na kalahok sa 39th Metro Manila Film Festival, particularly ang top grosser ng My Little Bossings. Pero mas nakakalungkot na ang mga sinasabi nilang matitinong pelikula ay ayaw namang pasukin ng mga manonood. Sorry na lamang kung mas gustong panoorin ng mga tao sa panahong ito ay iyong magpapatawa at hindi magpapalungkot sa kanila. 

Kinukuwestiyon din nila ang kakayahan ng mga juror dahil hindi raw sila marunong mag-judge ng matinong pelikula. 

Heto po ang mga juror: Director Laurice Guillen; cinematographer Romeo Vitug; film editor Edgardo “Boy” Vinarao; MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) director Emmanuel Borlaza; Felipe de Leon, Jr., National Commission for Culture and the Arts (NCCA); Rowena Reyes, Dean of College of Liberal Arts of Institute of Communications, Colegio de San Juan de Letran; Fr. Tito Caluag, vice president for alumni affairs, Ateneo de Manila; Fr. Jacinto Padua of Sto. Niño de Tondo Parish; 2013 Miss Universe third runner-up Ariella Arida; Christine Dayrit, chairperson of Cinema Evaluation Board (CEB); Maan Lopez of Theaters Association; and representative from different sectors: Romilda Amago, housewife; Lorna Luna, student; Rex Ado, teacher; at Larry Anido, driver.

Marian napaakting sina direk Laurice at Ricky

Nagsimula na ang actual taping ni GMA Prime­time Queen Marian Rivera ng first dra­ma series niya for 2014 ang Carmela (Ang Pina­ka­magandang Babae sa Ibabaw ng Mundo) last Friday and it seems araw-araw na siyang magtatrabaho. Kahapon kasi may omnibus plug shoot sila ni Alden for the drama series sa Baliwag, Bulacan. Today naman, pangu­ngunahan ni Marian ang paglo-launch ng mga bagong drama series ng GMA 7 sa Sunday All Stars. Ang mga afternoon prime drama series ay ang The Borrowed Wife, Ena­mo­rata, Paraiso Ko’y Ikaw, at ang mga primetime series na Kambal Sirena, Rhodora X, at Carmela. Sabay ding magsi-celebrate ng birthday sa show sina Kyla at Alden Richards, ang new leading man ni Marian.

Excited si Marian dahil padag­dag nang pa­dag­dag ang mga bagong makakasama niya sa Carme­la. Bukod kay Agot Isidro na gaganap na nanay niya at Raymond Ba­gatsing na third time na niyang makakasama sa soap, mag-aartista rin ngayon si Direk Ricky Davao. After mag-direk ni Laurice Guillen ng Akin Pa Rin ang Bukas, mag-aartista naman siya ngayon sa Carmela. First time ring magsasama sa soap ang mag-inang Laurice at Ana Feleo. Unang nakasama naman ni Laurice ang bunsong anak niyang si Inah Feleo sa Akin Pa Rin ang Bukas. At siyempre happy si Marian dahil muli silang magkakasama ng best friend na si Ana na since Amaya ay naging best friends forever o BFF na sila.

 Pero hindi lamang ito ang pagkakaabalahan this year ni Marian. Bukod sa sitcom na gagawin niya sa GMA 7, tuloy na ang paggawa niya ng movie sa Regal Entertainment, Inc.

 

AGOT ISIDRO

AKIN PA RIN

ALDEN RICHARDS

ANA FELEO

ANG PINA

CARMELA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with