^

Pang Movies

Mga pelikula sa MMFF walang binatbat sa mga pelikulang isinali noon nila Dolphy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mahigit isang taon nang yumao si Mang Dolphy, at kung ilang taon na rin namang yumao ang sinasabing tanging komedyanteng nakatapat sa comedy king, si Chiquito, pero sinasabi nga ng mga lehitimong kritiko na hindi pa rin mapapantayan ang mga pelikulang ginawa nila noong araw. Wala pa ring tatalo sa kanilang klase ng comedy.

Noong araw kung gumagawa sila ng pelikula para sa film festival, talagang ginagawa nila ang qua­­lity comedy films. Marami pa siguro ang naka­ka­tanda sa ginawa ni Mang Dolphy na El Pinoy Ma­tador, na kinunan pa sa Spain. Hindi nagpahuli si Chiquito at nang sumunod na taon, ginawa rin niya ang Arizona Kid na kinunan din sa U.S.A.

Noon kasi ang mga pelikula kahit na comedy ay pinagbubuti. Hindi kagaya ng style ngayon na ang comedy tagpi-tagpi lamang na mga nakakatawang eksena na walang katutunguhang istorya. Walang kuwento at wala ring kuwenta.

Noon kahit na sabihin mong mga pelikulang comedy, piling-pili ang kinu­kuhang mga artista. Talagang gumagastos sila dahil gusto nilang maipakita kung ano ang maganda, hindi kagaya ngayon na basta kumita ok na kahit na ang pelikula ay walang kuwenta. Pinanonood lang naman ang mga pelikulang iyan dahil walang ibang choice, walang matino eh.

Noon ang mga artista, very particular sa qua­lity ng kanilang mga pelikula, kasi alam nila na ang kalaban ng pelikulang Pilipino ay mga American mo­vies na matitindi rin naman ang kalidad. Ngayon ang mga artista, kasi karamihan ay siya ring finan­ciers ng kanilang mga pelikula, ang iniisip ay magtipid at kumita na gamit ay maliit na puhunan lamang. Kasi ngayon ang mga pelikula ay ginagawa lamang ng mga financiers, wala na rin ang mga lehitimong producers noong araw.

Wala na rin iyong artistic value. Iyan namang festival, commercial film festival na iyan. Hindi na kagaya noong araw na artistic festival na masasabi mong showcase ng pinakamahuhusay na pelikula.

Sayang, ang mga kagaya nina Mang Dolphy at Chi­quito na nakagawa ng mahuhusay na pelikulang comedy, ni hindi nabibigyan ng tamang recognition. Ni ayaw silang irekomenda bilang mga national ar­tists, tapos ang binibigyan ng parangal iyong mga hindi karapat-dapat.

Paulo hindi naisip gayahin si FPJ

Noong araw din, ingat na ingat ang mga artista na sila ay maging masamang example. Alam kasi nila na sila ay may reponsibilidad bilang mga artista. Sila ay mga role models lalo na ng mga kabataan. Natatandaan namin ang kuwento, noong unang kinuha para maging endorser ng beer ang hari ng pelikulang Pilipino na si Fer­nando Poe Jr, (FPJ) tumanggi pa siyang maipakitang umiinom ng beer. Hinawakan lang niya ang bote pero walang ipinakitang umi­inom siya. Pumayag lang siya makitang umii­nom ng beer sa commercial matapos ang kung ilang taon na.

Nagulat kami noong isang araw nang makita namin iyong si Paulo Avelino sa isang commercial na tumutungga ng gin. Siguro ang nasa isip nila, pera rin naman iyon, lalo na’t mukhang pababa na ang kanyang career sa ngayon. Pero dahil sa mga ganyang diskarte, hindi talaga tumatagal ang career ng mga artista natin sa ngayon.

Mga pintas sa filmfest naglalabasan na!

Ngayong matatapos na ang film festival, nagsisimula nang maglabasan ang mga hindi magagandang reviews sa mga pelikulang kasali. Tinatanong pa nila, bakit nakasali iyan?

Dalawang kategorya lang iyan eh, iyong ibang pelikula pinili nila kasi iyon ang inaakala nilang kikita.

Iyong ibang pelikula naman, pinili nila dahil umu­rong ang ibang kasali sana.

vuukle comment

ARIZONA KID

CHIQUITO

COMEDY

MANG DOLPHY

NILA

PELIKULA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with