Aiai malungkot ang bagong taon, totoong nanay namatay!
Nakikiramay ako kay AiAi delas Alas dahil sa pagpanaw kahapon ng kanyang biological mother, si Mrs. Gregoria Hernandez delas Alas.
Malungkot na malungkot si AiAi dahil sa pagkamatay ng kanyang ina na 86 years old na. Sa mga gustong makiramay sa mga naulila ni Nanay Gregoria aka Nanay Gloria, heto ang kumpletong detalye tungkol sa kanyang lamay. Nanggaling ang impormasyon mula kay AiAi:
“The remains of my mother, Gregoria Hernandez delas Alas lie in state at the Ascension Chapel, 2nd floor, Arlington Funeral Homes, AraÂneta Avenue corner Baloy Street, Quezon City.
“Interment date and place to follow. Thank you very much in advance for your prayers and love. God bless.â€
Robin masayang nagbabakasyon sa Corregidor, pelikula pinipilahan na
Very happy si Robin Padilla na nagbabakasyon ngayon sa Corregidor Island dahil nadagdagan ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng 10,000 Hours.
Puwede na talagang magbakasyon grande at matulog nang mahimbing si Robin dahil pinipilahan na sa mga sinehan ang kanyang pelikula na most awarded sa awards night ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nagpapahinga si Robin sa Corregidor Island kasama ang kanyang asawa, mga anak, at mga kapatid. Natutuwa si Robin dahil nagustuhan ng kanyang mga kapatid ang lugar na kanilang pinuntahan na maikukumpara raw sa Spain. Ganyan kaganda ang Corregidor, ayon sa mga kapatid ni Robin.
Rep. Manny kakarerin ang kaso ng tax sa Amerika
O ayan, naglabas na ng statement ang American lawyers ni Congressman Manny Pacquiao tungkol sa problema niya sa buwis sa U.S.
Heto ang statement ng tax attorneys ni Papa Manny para sa ikalilinaw ng isyu:
“There have been numerous public reports about tax issues involving boxing superstar Manny Pacquiao. Many of those reports have contained inaccurate and misleading information and were triggered by the filing of a federal tax lien. The lien is in the process of being released by the Internal Revenue Service (IRS).
“Manny’s U.S tax counsel, Steven Toscher, of Hochman Salkin Retting Toscher & Perez, P.C., has been working with the IRS and he and Manny’s counsel, David Marroso of O’Melveny and Meyers, stated that the IRS has abated the tax assessments against Manny which triggered the filing of the lien and has released or is in the process of releasing all federal tax liens and levies.
“Mr. Toscher stated that Manny is serious about his tax obligations and will continue to work with the IRS to resolve any outstanding tax issues.â€
- Latest